Habang tumatagal,nasanay na syang palaging iniiwan ng mga magulang. May mga times pa nga na may pinagtatalunan silang dalawa.
“Emman,anu ba pati ba si Allan pagseselosan mo”
“Oo naman Sol buong araw kayong magkasama”
“Diba napagkasunduan na natin na maghihiwalay tayo sa paghahanap para mas madali nating makita si Jacob.Si Allan tumutulong lang naman sya”
“Ah basta,maghahanap tayo na tayo lang ,hindi na natin kailangan ang Allan na yan,
“Ewan ko sayo”
Lumabas ng bahay ang Mama Sol nya,sinundan ito ng Papa Emman nya,nagtalo pa silang dalawa hanggang sa sasakyan.Napakamot nalang ng ulo si Rundo .Kakarating lang kasi nila aalis din naman.Nalungkot tuloy sya,hindi naman pwed kasing makipagkwentuhan sa mga kaibigan nya kasi naging ahas na ang mga ito.
Nagpasya syang silipin si Ara kung tulog na ito.Nakita nya mula sa pader na nagbabasa pa ito ng libro ,kitangkita sa nakabukas nyang bintana.Natukso tuloy sya na puntahan ito.Inisip nya na baka tulog na ang lolo nito.Gumapang sya patawid ng mataas na pader,nagpalingatlingat pa sya baka may taong makakita sa kanya.Gumapang na sya paakyat ng bahay niLA Ara nasa ikalawang palapag kasi ito.Nagulat pa ito ng magsalita sya.
“Hi Ara”bati nya sa babae
“Oh Rundo pano ka nakaakyat dyan”tumayo syat pupuntahan sana ang lalaki “
“Opps dyan ka lang wag kang lalapit baka kasi mahawaan ka may sipon ako,at baka may sakit ka din dyan at mahawaan ako”pigil nya sa babae
“Ah ok sige,hindi ka ba nangangawit dyan sa bintana ,pasok ka maupo ka kaya”umopo nalang ito ulit sa study table nya.
“Ok lang ako dito”sabay smile pa,hindi namn talaga sya nahihirapan dahil nakapalupot ang kalahati nyang katawan sa tubo na labasan ng ulan .
Nagkwentuhan silang dalawa.Hinanap pa nito ang dalawa,pero nagdahilan nalang din sya.Nalibang sya sa pakikipagkwentuhan sa babae,umabot na ng dalawang oras sya sa bintana.Nakipagtuksuhan na din at nakipagtawanan,at di nila napansing napalakas na pala ito.Narinig tuloy ito ng Lolo nya.Umakyat ito sa kwarto nyat binuksan ang silid.
“Ara sino kausap mo”dumiretsu ito lakad papuntang bintana.
“Ah wala po Lo kaklase ko sa cellphone po kami naguusap nag videocall po kasi kami”pagdadahilan ni Ara sa Lolo nya.
“Ah ganon ba ,isasara ko nang bintana mo ha malamig na ang gabi,at late na matulog ka na.”
“Opo Lo ,pasinsya na po nagising ko kayo”
“Ok sige bababa na ako”
Bumaba na ang Lolo ni Ara sa kwarto nya sa baba. Sumilip pa si Ara sa labas ng kwarto nya para masiguro na nakababa nanga ang Lolo nya.Tapos bumalik sya sa kwarto at binuksan ulit ang bintana,Sakto lang na nakaakyat na si Rundo sa pader ng Farm,kumamay sya kay Ara sa bintana,kumaway na din ito sa kanya.Mabuti nalang at nakatago sya kanina sa may bubong ng bahay at bumaba na ng maisara na ng Lolo ni Ara ang bintana.Muntik na sya mahuli dun.Umuwi na si Rundo sa bahay nila.Wala parin ang mga magulang nya.Hindi na naman siguro sila uuwi naisip nya.