chapter 4

1176 Words
Sabado kaya maaga palang gumising na si Rudon at lumabas ng kwarto.Nadatnang nagkakape ang Papa Emmanuel nya sa may kusina,nagluluto naman ang Mama Sol nya. “Anak ang aga mong nagising ah”ang sita sa kanya na Mama nya “Sabado po kasi ngayon kaya Walang pasok ang mga kaibigan ko.” Pangisingisi pa sya “Kumain ka muna ,nakaluto na Mama mo,anak pasinsya ka na ha,palagi kaming umaalis ng Mama mo.” Ang dagdag pa ng Papa nya “Ok lang po naiintindihan ko naman ,sana mahanap nyo na ang hinahanap nyo. Kumain silang tatlo,nagkwentuhan pa sila.Hinintay nya lang din muna makaalis ang mga magulang bago nagpunta sa bahay ni Rico ang malapit nyang kaibigan. Sinunud nilang pinuntahan ang bahay ni Runa, pero wala na ito doon pumunta daw kasi sa kapitbahay nilang si Ara.Ang kaklase nito may gagawin daw na project.Umakyat sila sa pader ng farm ,itinuro sa kanya ni Rico ang bahay ni Ara .Nasa gilid lang pala talaga ng farm, tanaw nila ang dalawa sa may mesa sa ilalim ng puno may kinukulikot.Itinago nya ang ibaba nyang katawan,para hindi makita sa labas, “Runa ,Ara,psssssst “ang tawag ni Rico sa kanila.Agad naman silang lumingong dalawa. “Rico punta ka dito tulungan mo kami”ang sabi ni Ara sa kanya. “Kayu nalang,kaya nyo na yan at tsaka kawawa tong si pareng Rundo pag iniwan ko” “Hello Ara”ang bati ni Rundo sa babae at sinabayan pa ng matamis na ngiti “Hi din Rundo,bakit hindi ka nagaaral” tanong nya sa lalaki “Ah may sakit kasi ako ,hindi ako pwedeng pumunta sa school nyo,maselan kasi ako....Oo tama may allergy kasi ako ,hindi ako pweding maalikabukan,kaya dapat nasa loob lang ako ng farm. “Ah ganon ba,may ganon palang sakit,kawawa ka naman ,e panu yan,hindi ka lumalabas dyan,”?tanong pa nya sa lalaki “Oo hindi e...” “Cge ako nalang sa susunod na araw pupunta dyan.para hindi ka ma boring” “Ay naku, hindi kasi pwede yon Ara baka pagalitan ka ni Tita at Tito masyado kasi nilang alaga yang si Rundo baka hindi lang din yan palabasin ng bahay pag may ibang tao, sensitive kasi madaling mahawaan ng sakit,” ang pagsisinungaling pa ni Runa para takpan ang kaibigan. “Ah ganon ba “ ang nagtakang si Rona “Bye Ara “ alis na kami pwed ba ulit makipagusap sayo bukas dito.? “Oo naman ,bagong kaibigan” ang sagot ni Ara sa kanya. Labis na natuwa si Rundo kay Ara,nagkaruon sya ng taong kaibigan.Dati pa kasi gustong gusto nya ang mga tao.Sana nga lang matanggap sya nito pagnalaman ang tunay nyang pagkatao.Gumala na silang magkaibigan sa farm,napadaan sila sa kulungan ng mga pato,nagsipagtakbuhan at liparan ang mga ito ng makita si Rundo,natakaot sa kanya. “Anu ba naman yan hindi kokayo kakainin,pero takut na takut kayo sa akin”ang sabi nya sa mga ito “Natakut sila sayo Rundo”ang pabirong sabi ni Rico sa kanya “Oo nga e ,pati mga hayup takot sa akin,panu pa kaya kung si Ara ang makakita sa akin” “Gusto mo si Ara no?ang tanong ni Rico “Oo maganda kasi sya, at ang liit ng mga mata nya,ang puti nya rin at mukhang mabait” “Mabait talaga yun,kasu madami ding nagkakagusto s akanya sa school at tsaka Rundo alam mo ba na ang lolo daw nya,ang kasama nya dyan sa bahay ay Snake hunter.Isang bises kaming nakapasok dyan sa loob ng bahay nila ang daming bote ng apdo daw ng ahas na nahuhuli nya,tapos may nakita din kami ni Runa na malaking ahas na nakapreserve sa napakalaking jar,madami ding nakasabit na tuyong balat ng mga ahas.Natakot nga kami ni Runa e, hindi na kami ulit pumasok pa sa bahay nila.At malaking tao ang lolo nya ,malaki ang katawan,masungit din at ang daming nakasabit na baril at bolo sa dingding nila,puro malalaki pa” “Talaga” “Oo nga narinig ko pa sabi ni lolo Timyong na hanggat maaari daw ay iwasan namin si Mang Islaw na yan.Wag daw gagawa ng bagay na maguudyok sa kapahamakan naming lahat sa farm,Bagong lipat lang sila yan,noong isang taon lang,Namatay daw kasi mga magulang ni Ara sa syudad kaya nakabili sila ng lupa dyan at dito na nanirahan kapatid nya daw ang may ari ng gilingan ng palay diyan sa may unahan. “Ah ganon ba” “Oo kaya ikaw magiingat ka,wag kang masyadong maglalapit s akanya baka kasi makita ka nya at isumbong nya tayo sa lolo nya at mapahamak ka pa at kami sa farm. Kahit na binalaan na ni Rico si Rundo,nakipagkita parin sya kinabukasan kay Ara sa may gilid ng mataas ng pader.Tulad kahapon tinago nya ang kalahati ng katawan nya.Kung anuanu lang naman nag napaguusapan nila.Umalis lang sya ng tumaas na ang araw.Masakit na kasi sa balat iyon.Pumasok na rin sa bahay nila si Ara. Pinuntahan nya si Runa naglalaba ito. “Runa turuan mo naman akong gumamit ng cellphone, may iniwan kasi si Mama sa akin hindi naman ako marunong,” “Sige mamaya pagkatapos ko maglaba at tsaka wag mo ilapit yan sa GB batya ko,baka mahulog yan dito sa tubig,masira hindi mo na magagamit.” “Ah masisira pala to pagnahulog sa tubig....ah Runa anu ba ang sinasabing f*******: ni Ara,sabi nya e add ko daw sya, tumango lang din ako hindi ko kasi alam yon.” “Sige nga mamaya pagkatapos ko dito, “O sige tutulungan nalang kita, ako na ang magbabanlaw ng tapos mo kusutan para madali kang makatapos” “Hindi na anu ba,akin na yan “ kinuha dito ang mga damit na hawak “Runa bakit galit ka ba saakin, bakit mo ako tinataboy” “Wala akong sinasabing ganon,basta don ka nalang maghintay” “Ok sige” Umalis na sya at naghintay na lang sa ilalim ng puno.Lumapiy naman sa kanya si Rico “Oh parekoy nagaway ba kayo ni Runa?” “Hindi naman pare koy kaya lang mukha yatang galit sa akin,tinataboy nya ako, tulungan ko sana sya maglaba” “Nagseselos yon parekoy,hinahanap ka kasi kanina,sinabi ko nakipagusap ka kay Ara” “Hindi naman siguro parekoy” “Napapansin ko na iba ang titig nya sayu mula ng dumating ka dito.Malakas ang pakiramdam ko na may gusto yun sayo” “Wala yan” “Mayroon” “Wala nga “ “Ano yung wala,” tanong ni Runa sa kanila. “Ah wala yun” sagot nya dito “Akin na yang cellphone ko tuturuan na kita” “Tapos ka nang maglaba”tanung nya sa babae “Si Nanay nalang daw ang magtatapos kaya akin na” “Galit ka pa ba” “Hindi naman ako galit, ayaw ko lang na tinutulungan mo akong maglaba alam muna dalaga na kasi ako “Talaga “ pangungilit pa nya at sinabayan pa ng pagkisawkisaw ng mga mata Napahalakhak tuloy si Rico sa kanilang dalawa.Nahawa na rin sila nakipagtawanan narin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD