chapter3

795 Words
Pagdating nila sa lumang bahay. Hindi muna lumabas ng sasakyan ang lalaki,hindi nya kasi alam kung paanu harapin ang anak nya . Binuksan ni Sol ang driver set ng makababa sya para lumabas na ang lalaki.kumatok sya sa pintuan.Agad namang binuksan iyon ni Aling Maling, Pinapasok sila ng matanda.Lumabas na din sa pinagtataguan nya si Rudon,humalik ito sa pisngi ng kanyang Ina. “Ma may kasama ka ah,ahas din ba sya”ang tanong nya sa ina ng makita ang kasama nito. “Anak sya ang Papa mo “ “Anak”niyakap ni Emman ang kanyang anak.Kasabay ng pagtulo ng mga luha nya.Pati si Rudon napaiyak nalang din Hindi na mapigilan ni Rudon ang sariling magtanong ng magtanong sa kanyang Ama, sabik kasi sya sa ibang tao.Sila lang kasing dalawa palagi ng kanyang Ina sa gubat,at pinalalayu din sya sa mga tao kaya sabik sya pagnakakita ng iba. Ibinigay ni Sol ang Aklat kay Aling Maling,Binuksan nya ito at maingat na binasa ang mga pahina. “Ang pagbitiw ng sumpa ay makapangyarihan,lalo na pag itoy sa mataas na uri ng ahas(puti).Mawawala lamang ang sumpa pag binawi ito ng may gawa ng sumpa.Banggitin lamang ang mga salitang nasa aklat at patakan ng dugo ng sumumpa ang sinumpa at mawawala iyon.Kapag namatay na ang sumumpa pwed itong bawiin ng kadugo nya,alalahanin lamang na hindi pwede ang asawa ,anak o maaaring pamangkin ,o kapatid ,o ina ,o ama ng sumumpa ang maaaring gumawa ng ritwal.” “Naku paanu yan napatay ko po si Tita Alicia at si Bryan,sinu pa ang gagawa ng ritwal” “Si Jacob Sol anak din sya ni Tita Alicia” “Kung ganon halikana puntahan na natin para matanggal na ang sumpa kay Rundo”Nabuhayan sya sa sinabi ni Emman “Hindi ganyan kadali ang sinasabi mo Sol,Nang nalaman nya kasi na ikaw ang pumatay sa Mama at kuya nya nagalit sya ng husto at umalis sa poder ko.Sinikap namin na itago sa kanya ang lahat,pero kasi sya mismo ang nagimbistiga.Hindi nya iyon matanggap Sol .Sigurado ako pagnakita ka nya susumbatan ka.” “Sumbatan nya na ako kung sumbatan pero e try q parin Emman magmamakaawa ako,luluhod ako sa kanya”na umiiyak na . “Sige hahanapin ko Sol” “Anak pasinsya kana ha,pero wag kang magalala,gagawin ni Mama lahat paramaalis ang sumpa....sorry talaga sorry...”pumunta sya sa anak nya at hinawakan ang kamay nito. “Ok lang po Ma,wag na po kayong umiyak,magiging ok din po lahat. “Pasinsya na,sana dati pa kitang inuwi dito,nang wala pang alam si Jacob baka natulungan ka pa nya,sorry anak natakot lang kasi ako na baka masaktan ka nila....” “Tama na Sol nangyari na ang lahat ,at wala na tayong magagawa pa,hanapin nyo nalang dalawa si Jacob, ako na muna bahala kay Rundo.” Ang sabi ni Aling Maling “Mas ligtas po kayong dalawa kung sa farm po kayu titira,Tutulong si Mang Timyong at ang mga taga farm na protektahan si Rundo,”mungkahi ni Emman “Oo sige kung yan ang makakabuti” Sakay ang sasakyan ni Emman sumakay silang apat pabalik ng farm.Tuwang tuwa si Rundo sa mga nakikita sa paligid ang ama nya naman walang kapagurang eni explain dito kung anu iyon.Hindi inaasahan ni Sol na maging maganda ang kinalabasan ng pagdisesyung bumalik na kay Emman.Ang dami nya kasing iniisip dati na baka kung anung mangyari sa anak nya.Ang dami nyang naiisip na What if. Naging maayos naman ang pagtanggap sa kanyang anak sa farm.Tuwang tuwa ito ang makipagkwentuhan sa mga bata at makipaglaro.Pati ang mga kaedaran nya ,nakikipagusap din sya at Nalibang din sya sa pagtulong kina mang Timyong na manguha ng mga itlog ang magtanim ng mga gulay.Naging panatag ang loob ni Abegail sa nakikitang kasayahan mula sa anak. Sinimulan na din nila ang paghahanap kay Jacob.Sa gabi pumupunta sila sa mga bar at disco nagbabakasakaling makita duon ang binata.Pati ang social media ,hinanapan na din nila.Ginamit na din ang mga koneksyon ni Emman para mahanap ito.Pero bigo sila,mukhang magaling magtago,pero hindi parin sila tumitigil. Pati nadin ang kinilalang magulang ni Sol na nasa ibang bansa na ngayon,hiningan nya narin ng tulong.Nangako naman silang tutulong, hahanap ng magaling na tao na pweding maghanap dito. Araw -araw umaalis si Sol at Emman para sa kanilang paghahanap,naiiwan lang si Rudon sa farm.Mabuti nalang at may mga malalapit na itong mga kaibigan duon, kaya hindi nadin ito nababagot.Nalulungkot nalang sya pag ang mga kaibigan nya at ang mga bata duon ay pumapasuk sa eskwela pag araw.Sya lang kasi ang maiiwang kaidaran nya at ang mga batang hindi pa nagaaral.Pag gabi naman oo nga nakakasama nya sa galaan nila sa farm pero hindi naman sila nagsasalita.Kaya palagi nyang inaabangan ang araw ng sabado at linggo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD