Chapter 2

903 Words
Laman ng mga balita sa Tv at dyaryo .Ang pagatake ng dalawang ahas sa Isla Bagong Bato.Ayon sa mga nakatakas na biktima inatake daw sila ng dalawang mabangis at malaking puting ahas.Maraming nagpunta sa Isla mga Media at mga Zoologist mga dalubhasa sa ahas.Nagkarun ng paghahanap sa Isla pero wala silang nakita. Isa si Emman na nagpunta sa Isla ng mapabalita.Nagbabakasakali parin syang makita si Abegail(Sol)Sabik na syang makita ang babae.Pero isa na namang kabiguan ang paghahanap nya. “Mama akala ko ba lalayu tayo sa tao pero bakit bahay na itong pinapatunguhan natin.”Nagtatakang tanong ni Rundo sa Ina nya habang patungo sila sa isang lumang bahay.Mataas ang mga damo sa paligid,at mukhang bibigay nadin sa kalumaan ang Bahay . Nang makarating sila nagpalingatlingat pa silang dalawa sa paligid,kumatok ang kanyang Ina,agad namang may bumukas ng pinto.Ang napakatandang babae ang lumabas.Niyakap sya nito at pinapasuk.Tiningnan sya ng mabuti ng matanda ng sumunod sya sa kanyang Ina. “Anak sya si Aling Maling,sya ang tagapangalaga ng lola Lucia mo dati, Aling Maling sya po ang anak ko” “Hello po sa inu,ahas din po ba kayo tulad ng Mama ko”tanong nya sa matanda.Tango lang ang sinagot nya dito. “Halika Iho “(Pinatayo sya ng matanda at tiningnang mabuti) Isinumpa ka,” “Sol sinumpa ang anak mo,isa si Alicia sa mga makapangyarihan ding ahas,sa palagay ko bago sya namatay nagbitiw sya ng napakalakas na sumpa para sayo,pero hindi ka natablan nito dahil sa taglay mong kapangyarihan,sumalin ito sa anak mong nasa sinapupunan mo palang.” “Yan po nga sana ang ipinunta namin dito,gusto ko pong mamuhay ng normal ang anak ko dahil kahit anong layo at iwas namin sa mga tao.Hindi po talaga maiwasang may manakit sa kanya at may masaktan ako.Sa hitsura nya pong yan sigurado malabo ang inaasam kong normal na buhay sa kanya.May magagawa pa po ba tayo.” “Oo meron, ang libro andon ang kasagutan.Hanapin mo Sol ang libro ng ritwal.” “Sa palagay ko po nakay Emman yon,” “Sana nga Sol sa kanya lang” Nakiusap syang iwan muna sa kanya ang anak nya para mahanap ang aklat,Alam nya kasi na maproprotektahan sya ng matanda, matanda lang ito tingnan pero malakas ito dahil kulay puti ito at naging tagapangalaga ng kanyang Ina.Pinalipas nya na muna ang gabi Nang makababa sa sasakyan nanibago si Sol sa nakikita nya.Ibangiba na ang hitsura ng syudad .Labing pitong taon ba namang nawala sya.Una nyang pinuntahan ang dati nyang bahay ,ang bahay ng mga De Jesus,pero wala ng nakatira duon.Pati ang kumpanya iba nadin ang namamahala duon.Sinunud nyang pinuntahan ang farm.Kumatok sya sa malaking Gate.Agad naman syang nakilala ni Mang Timyong. “Abegail ,ikaw nga pumasok ka,Anung nangyari sayo?” “Tsaka nalang po ako magkukwento Mang Timyong,si Emman po? Hinahanap ko po kasi ang Aklat ng Ritwal” “Nakay Emman yon,sandali at tatawagan ko sya.” Tinawagan ni Mang Timyong si Emman at papunta na daw ito sa farm. “Mang Timyong galit pa po ba kayo sa akin, ang dami ko pong pinatay na kalahi natin” “Hindi Abegail naiintindihan ka namin. Hindi parin sya makumbinsi sa sinabi ni Mang Timyong alam nya na may mga galit parin sa kanya na kalahi nila. (Sa sasakyan ni Emman) Halos di parin makapaniwala si Emman sa sinabi ni Mang Timyong na nasa farm Si Abegail.Kung saan saan sya naghanap para makita ito. Pagkapasok sa gate nakita na nyang nakaupo ang babae sa may upoan sa labas ng bahay ni Mang Timyong.Hindi parin ito nagbabago,ang ganda nya parin sa suot nyang itim na mahabang bistida.Maamo pa rin ang kanyang mga mukha.Humaba at kumulot lang ang kanyang dating bagsakna bagsak na buhok. Medyo pumayat din ito.Niyakap nya ito ng makalapit na sya. “Salamat naman at bumalik kana”pambungad nya sa babae “Emman nasa iyo ba ang Aklat ng ritwal kailangan ko kasi iyon,”tanong nya dito “Oo nasa sasakyan” “Pwede ko ba iyong makuha” “Oo naman” at hinawakan ang babae sa kamay at inalalayan ito papuntang sasakyan. Nang makarating sasakyan kinuha nya ito at ibinigay sa babae.Nagpasalamat naman ito at Nagpaalam na . “Sa tingin mo ba Abegail ganon nalang yun,ngayong nakita na kita hinding hindi na kita bibitawan pa”hinawakan pa nito ang kamy nya . “Emman anu ba “ “Sakay, ihahatid kita,sasamahan saan kapa magpunta” Wala nang nagawa pa si Sol kay Emman .Habang nasa sasakyan inumpisahan nyang unti unting sabihin dito ang tungkol kay Rundo. “Emman hindi Ko naman na matatago sayo pa,malalamat malalaman mo din naman.Nang nagpasya akong lumayo 17 years yon ay dahil gusto kung protektahan ang anak natin. Sa nagawa ko alam kung marami ang makakalaban kung kalahi natin.” “Ha.........”sumigaw ito at sinuntok suntok pa ang manobela ng sasakyan galit na galit ito.Tinago sa kanya ng babae ang kanilang anak. “Sana nagisip ka Sol sa 17 years na yon sana kasama ko kayong dalawa,sana naprotektahan ko kayung dalawa,sana sinabi mo sa akin ,hindi ka sana nagdisesyun na ikaw lang.”Sumisigaw na sya sa galit,tumutulo nadin ang dugo sa kanyang mga kamay Natahimik nalang si Abegail sa pagwawala ng lalaki deserve nyang makita at marinig iyon.Alam nya na sobrang sakit ang nararamdaman ngayun ng lalaki Kaya hinayaan nya lang ito.Nagsisigaw pa ito at naghahagulgul sa kakaiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD