┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
"Jana! Nasaan ka na, Jana!" Umiiyak na sigaw ni Aja habang sakay sila ng yacht at hinahanap nila ang kakambal niya. Pero apat na araw na nilang hinahanap ang kakambal niya ngunit hindi nila ito matagpuan.
Tahimik naman ang kanyang ama at ang kanyang ina na umiiyak lamang habang nakatingin sa malayo. Ilang araw na silang hindi makakain ng maayos at ni wala silang maayos na tulog. Sinabi sa kanila ng rescuer na huwag ng umasa na makikita pa nila ng buhay ang anak nila, pero hindi sila nawawalan ng pag-asa. Ang ilang rescuer ay sumuko na dahil nalibot na nila ang lugar at napuntahan na nila ang malalapit na isla, pero wala silang nahanap na Tatjana. Maging ang may kalayuang isla ay narating na nila, pero lahat sila ay nabigo. Napatingala pa sila ng marinig nila ang dalawang helicopter na gamit ng rescuer sa paghahanap sa anak nila.
"Mom, patawad po. Hindi ko ginusto ang nangyari. Kasalanan ko po ang lahat." Umiiyak na sabi ni Aja, pero nananatiling tahimik ang kanyang mga magulang. At sa isang iglap ay humagulgol na ang kaniyang ina.
"Robert, hindi ko kayang mawala ang isa sa ating anak. Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko si Jana, mahal na mahal ko ang kambal natin, kaya please... huwag tayong titigil hangga't hindi natin siya nakikita." Umiiyak na sabi nito. Napayuko naman si Aja, at sa murang edad niya ay nakaramdam siya ng guilt. Pakiramdam niya ay siya ang dahilan kung bakit nawawala ngayon ang kanyang kakambal.
Sa malayong isla naman ay nag-aalala na si Wilbert sa kalagayan ng dalagitang sinagip nila dahil hindi pa rin ito gumigising. Nag-aalala na siya, pero sabi naman ng doktor sa kanya ay nagpapahinga lang ang katawan nito at ano mang oras ay maaari naman itong gumising. Ang vitals nito ay normal na, pero ang pinapangambahan nila ay ang maaaring pagkawala ng alaala nito sa oras na gumising na ito.
"Masyado ka naman yatang nag-aalala sa batang 'yon. Don't forget, bro, she's not your daughter, and her parents are probably searching for her right now. Wala tayong neighboring islands, so I'm sure she comes from far away. Huwag mong masyadong i-attach ang feelings mo, baka ikaw pa ang masaktan when her family comes to take her." Sabi ni Rylan Seong, his capo-regime who's half Korean, half Filipino, leaning against the library wall with a serious face at ang kanyang mga mata ay tila ba laging matalim ang tingin kahit na kanino maliban na lang sa kanilang pinuno na si Wilbert. Rylan had been Wilbert's friend and partner in the organization for years, and his advice was always logical, but this time... it didn't seem enough to stop Wilbert's growing attachment to the girl. Natawa si Wilbert at napapailing ng kaniyang ulo. Mula ng matagpuan nila ang dalagitang 'yon, pakiramdam niya ay biglang napunan nito ang malaking puwang sa puso niya. Ang pangungulila niya sa yumao niyang anak ay tila ba nahanap niyang bigla sa dalagitang sinagip nila. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Wilbert, at bago pa siya makasagot ay humahangos na pumapasok si Thessius at si Maximo sa loob ng library na halos lumuwa na ang kanilang mga mata.
"Uncle Wilbert, gising na po ang anak ninyo!" Hinihingal na sabi ng dalawang binatilyo, their voices overlapping in joy and causing the Black Serpents' leader to jump up from his chair and the seat clattering to the floor in his haste. Nagmamadali na itong lumabas at tinungo ang silid ng dalagita sa loob ng malaking villa upang makita kung totoo ang sinabi ng dalawang binatilyo.
"Senyor, gising na ang ating pasyente. She's so scared kaya hindi muna namin siya nilalapitan. Sigaw siya ng sigaw at tinatanong kung nasaan siya." Sabi ng doktor na nakatayo lang sa may pintuan ng silid at hindi malapitan ang pasyente nila habang hawak niya ang clipboard. Sumilip naman si Wilbert sa malaking pintuan ng silid, seeing the girl sitting up on the bed at umiiyak lang ito at tila ba takot na takot at nalilito sa kung nasaan siya, then he slowly walked in, his presence strong yet gentle, like a father approaching a frightened child.
"Sino kayo? Nasaan ako at... at... bakit wala po akong maalala?" Sigaw ng dalagita habang nakasiksik siya sa kama. Dumudugo pa ang likod ng palad nito dahil hinablot niya ang nakatusok na karayom sa kanya at tinanggal ang intravenous na nakakabit sa kanya.
"Hija, huminahon ka at huwag kang matakot. Ako si Wilbert Fuentebella, at gusto kong malaman kung ano ang pangalan mo at kung ano ang nangyari sa'yo." Sabi nito at napatingin pa siya sa likod ng kamay nito na dumudugo pa rin. Ipinikit naman ng dalagita ang kanyang mga mata, pero pagmulat niya ay umiling-iling siya.
"H-hindi ko po alam. W-wala po akong maalala. I just woke up here. H-hindi ko po alam kung ano ang pangalan ko at kung ano ang nangyari sa akin. Hindi ko po kayo kilala, at hindi ko rin po alam kung sino ba ako." Nangininginig ang boses na wika niya, as her tears flowing again and her body shaking with fear and confusion. Nagkatinginan naman si Wilbert at ang doktor, makikita sa mga mata nila ang pag-aalala at pagkahabag sa dalagita, kaya dahan-dahang lumalapit ang doktor upang masuri ang kanyang pasyente.
"Ako ang doktor na nag-alaga sa'yo hija. You have temporary amnesia, but don't worry dahil it's quite normal and that's not permanent kaya in a few weeks or months, your memory will come back to normal. Kaya habang wala ka pang idea about yourself, stay here na lang muna. You'll have company, tignan mo ang dalawang gwapo na binatilyo na nakatingin sa'yo, sila ang nagbantay sa'yo dito habang wala kang malay. Mamaya, kapag kalmado ka na at hindi ka na natatakot sa amin, I'll run some tests on your condition para malaman natin kung ano ang kalagayan mo. Huwag kang umiyak, hija... no one will hurt you here. Mababait sila at handa ka nilang protektahan." Sabi ng doktor, Tumigil naman sa pag-iyak si Tatjana na walang maalala sa kanyang nakaraan... at ni hindi niya naaalala na ang kanyang pangalan ay Tatjana. Napatingin pa siya sa dalawang binatilyo, pero nginusuan lang niya ang mga ito at inirapan niya kaya natawa na ang doktor at si Senyor Wilbert.
"Katabi kasi kita kaya ayaw niya sa pangit. Umalis ka nga kasi dito, ayaw sa'yo ng magiging asawa ko." Sabi ni Maximo kay Thessius sabay tulak pa dito. Galit na galit naman si Thessius na tinulak din si Maximo kaya inawat na sila ng mga nurses na nagbabantay kay Tatjana.
"Tama na 'yan at baka magkapikunan pa kayo. Thessius, lumabas muna kayo at iwanan muna ninyo sila. Maglaro na lang kayo sa labas ni Maximo." Wika ng ama ni Thessius ng pumapasok ito.
"But dad, gising na po ang anak ni Uncle Wilbert." Sagot ni Thessius sa kanyang ama.
"Sundin mo na lang ang ipinag-uutos ko sa'yo, Thessius. Duon na muna kayo sa labas ni Maximo." Muling utos nito sa kanyang anak. Sumibangot naman ang binatilyo at inis na hinila nito si Maximo palabas ng silid ng dalagita.
"Pwede ba na habang hindi mo alam kung ano ang pangalan mo ay tawagin muna kitang Terra? Pangalan 'yan ng anak ko, pero wala na siya sa piling ko. Habang nandito ka, ikaw muna ang anak ko at ikaw muna si Terra Fuentebella. Kung mamarapatin mo lang hija, pero kung ayaw mo ay..." Hindi na niya natapos pa ang kanyang sasabihin ng sumagot ang dalagita.
"Sige po. Hindi ko naman po naaalala ang pangalan ko." Wika niya. Namasa ang gilid ng mga mata ni Wilbert habang nakatitig siya kay Tatjana. Gusto niya itong yakapin, pero hindi niya magawa dahil ayaw niya itong matakot sa kanya.
"Salamat Terra. Simula ngayon, habang hindi mo pa naaalala kung sino ka at ano ang pangalan mo... ikaw muna ang aking anak na si Terra." Nakangiting sabi ni Wilbert. Tumango naman ang dalagita at ibinaling na niya ang tingin sa malaking salamin sa dingding kaya nakikita niya ang kanyang sariling repleksyon. Panay pa rin ang daloy ng kanyang mga luha, pero kalmado na siya ngayon. Hindi man niya nauunawaan ang lahat, pero pakiramdam niya ay protektado siya ng mga taong nasa paligid niya.
"Call me dad kung okay lang sa'yo. Pansamantala lang naman, at kapag bumalik na ang alaala mo ay babalik ka na sa dati mong buhay at sa mga magulang mo. Sa ngayon, hangga't wala kaming alam tungkol sa pagkatao mo, dito ka lang muna sa amin." Wika pa nito. Hindi naman nagsasalita ang dalagita, tahimik lang ito na nakatitig sa salamin sa dingding at panay lamang ang bagsak ng masagana niyang luha.
"Hayaan na muna natin siya dito sa kanyang silid. Bigyan natin siya ng pagkakataong mag-isip-isip, baka makatulong 'yon upang unti-unting manumbalik ang kanyang alaala." Sabi ng doktor. Lumapit naman si Wilbert sa kama, naupo sa gilid nito at nginitian si Tatjana na Terra na ngayon ang ipinangalan niya.
"Terra anak, kapag may kailangan ka o may gusto kang kainin. Lumabas ka ng silid na ito at puntahan mo ako sa kabilang silid. Nanduon lang ako, at ako mismo ang magluluto ng pagkain para sa'yo. Magsabi ka lang anak at ibibigay ko ang lahat ng pangangailangan mo." Wika niya, hinagod pa niya ang buhok ni Terra, pero laking gulat niya ng bigla siya nitong niyakap ng mahigpit.
"Thank you po, ang bait-bait po ninyo sa akin." Umiiyak nitong sabi. Nangilid naman ang luha sa mga mata ni Wilbert at niyakap din niya ang dalagita at bahagya pa niya itong tinapik-tapik sa likod.
"Maiiwan ka muna namin dito. Bukas ang pintuan ng silid mo, at kung gusto mong lumabas ng villa ay walang pipigil sa'yo. Pwede kang magpahangin sa labas o makipaglaro kay Thessius at kay Maximo. Mababait ang dalawang 'yon, at sana makilala mo pa ang mga anak ng mga kaibigan ko na kasama ko sa lugar na ito na magiging tagapagmana nila sa katungkulang hawak nila. Minsan ay sasabihan ko sila na dalhin dito ang mga anak nila upang makilala mo sila." Nakangiting sabi nito. Hindi naman kumibo na ang dalagita, pero tumango naman ito.
Hindi naman nagtagal ay lumabas na ang pinuno ng Black Serpents at naiwan na itong mag-isa. Napatingin siya sa bintana dahil nakikita niya ang magandang karagatan na may malalakas na alon. Tila ba may kung anong pilit siyang inaalala sa mga alon na 'yon, pero blangko ang kanyang isipan. Ngunit sa sulok ng kanyang isip, alam niya na may kung anong koneksyon ang dagat at ang malakas na alon tungkol sa nangyari sa kanya. Pero hindi pa niya maalala kung ano kaya isinubsob na lamang niya ang kanyang mukha sa dalawa niyang tuhod.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata, pilit na pinipigilan ang kanyang mga luha, pero laking gulat niya ng may kung anong bumalik sa alaala niya. Nakikita niya ang sariling mukha na tinatangay ng alon palayo sa kanya, pero nagtataka siya dahil mukha niya ang kanyang nakikita na papalayo sa kanya at kumakawag-kawag. Sumisigaw ito pero hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi nito. Ipiniksi niya ang kanyang ulo at pilit na inaalala kung ano ang nangyari, pero ang alaalang bumalik ay saglit lang at kusa din agad itong naputol, pero malinaw na malinaw sa kanyang utak na tinatangay siya ng alon ng dagat at tinutulak siya ng malakas na hangin, pero bakit kamukha niya ang babaeng nakita niya sa kanyang alaala?
"Hello!"
Bigla siyang napaangat ng mukha ng marinig niya ang boses ng batang lalaki na nakita niya kanina. Kunot ang noo niya na nakatitig kay Maximo.
"Ako si Maximo Wade Frosthelm. Ano ang pangalan mo?" Wika niya. Nakangiti pa ito.
"Uhm... T-Terra? Terra Fuentebella..." Mahina niyang sabi na parang hindi siya sigurado kung tama ba ang pagkakarinig niya sa gagamitin niyang pangalan.
"Terra? Terra Taruray!" Sabi niya kaya sumibangot ang mukha ni Terra at naningkit ang kanyang mga mata habang pinupunasan na niya ang kanyang mga luha.
"Taruray? Sabi ko Terra! Lumabas ka nga ng silid ko at baka batuhin ko mukha mo ng vase." Inis na sabi niya.
"Huwag kang magalit. Bagay sa'yo ang pangalang Taruray. Taruray Fuentebella. Sabi ko kay Uncle Wilbert, paglaki ko ay pakakasalan kita kaya kapag malaki na tayong dalawa ay magiging mag-asawa tayo. Bagay tayo, ikaw si maganda at ako naman si gwapong makisig. Tignan mo ang espada kong kahoy, magaling akong gumamit nito kaya ipagtatanggol kita." Masiglang sabi ni Maximo na akala mo ba ay sigurado na siya na papayag itong magpakasal sa kanya.
"Ayoko sa'yo, mukha kang ewan. Lumabas ka nga ng silid ko. Isusumbong kita sa daddy ko." Galit na sabi nito, pero mukhang makulit si Maximo at lumundag pa ito ng pasampa sa kama at tumabi sa kanya kaya mas lalo siyang sumisigaw at itinutulak na niya si Maximo.
"Basta Taruray ang itatawag ko sa'yo. Mas bagay 'yon sa'yo kaysa Terra." Sabi nito at ipinapakita pa niya ang hawak niyang espadang kahoy na gawa ng isa sa tauhan ng organisasyon ni Wilbert.
"Lumabas ka sabi eh! Alis dito." Inis na sigaw ng dalagita.
"Maximo!" Malakas na tawag sa pangalan niya ng kanyang ama. Nilapitan siya nito sabay pingot sa tainga niya pababa ng kama at humingi ng pasensya sa dalagita. Tawa naman ng tawa ng malakas si Thessius ng makita niya na pingot-pingot si Maximo ng ama nito.
"Dad, nakikita ka po ng magiging asawa ko. Binata na po ako, tapos pinipingot ninyo ako." Malakas na sabi nito kaya hindi na napigilan pa ng kanyang ama ang hindi matawa sa kalokohan ng kanyang anak. Iyon ang inabutan ni Wilbert at maging siya ay hindi na napigilan pa ang pagtawa ng malakas ng dahil sa narinig niya.
"Taruray?" Mahinang bulong ni Terra habang unti-unting gumuguhit ang ngiti sa kanyang labi kaya napapangiti si Wilbert ng makita niya na sa simpleng pangungulit ni Maximo ay nagawa nitong pangitiin ang kanyang bagong anak.
"Taruray..." Muli nitong bulong.