Chapter 2 -Wilbert Fuentebella-

2555 Words
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Ingatan ninyo ang paghawak sa kanya. Bilisan ninyo para makabalik agad tayo sa isla at ng matignan siya ng mga doktor ko." Maawtoridad na utos ng isang lalaki habang binubuhat ng mga tauhan niya ang walang malay na katawan ni Tatjana. Payapa ang karagatan kaya madali nilang napansin ang katawan ng dalagita na halos nakapatong na sa malaking sanga ng puno na nakalutang sa dagat. Maputlang-maputla na ang mukha ng dalagita, her skin almost translucent under the dim lights of the boat, at ni pag-galaw ng talukap ng mga mata nito ay hindi nila nakikita. She looked so fragile na tila ba kapag hinawakan mo ay mababasag ito. "Boss, mahinang-mahina na ang pulso ng isang ito. Mukhang inanod lang ito ng malakas na alon sa lugar na ito. Bata pa, sobrang bata pa nito at probably around twelve or thirteen lang. Saan galing ang batang ito samantalang wala namang mga isla sa lugar na ito. May malaking sugat din siya sa kanyang ulo... mukhang may tumamang malaking bagay sa ulo niya, like a piece of debris from the storm na nagdaan or something. Ewan boss, pero malaki ang sugat niya." Pasigaw na sabi ng tauhan ng lalaki na nakasakay sa speedboat at dala na ang katawan ng dalagita. Nakatingala siya at nakatingin sa kanyang amo na nakasakay sa luxury yacht, the massive vessel looming like a floating fortress in the dark waters. Ang lalaking sakay ng speedboat ang nakapansin sa dalagita na lumulutang sa dagat ng matapat ang malaking spotlight sa kinaroroonan ng dalagita, kaya mabilis nitong sinabi sa kanyang amo upang mailigtas nila ito bago pa tuluyang mahulog mula sa kahoy na kinakapitan nito at hinahampas-hampas ng banayad na alon. Mabilis namang tumakbo ang lalaki na si Wilbert Fuentebella, ang matapang na pinuno ng Black Serpents mafia organization, at nagmamadaling nagtungo sa boarding platform upang salubungin ang mga tauhan niya na sakay ng speedboat. His heart pounded from a strange mix of concern and protectiveness he hadn't felt in years. Ever since his family was taken from him in that brutal attack, he'd built walls around his emotions, pero seeing this girl... helpless and alone cracked something inside him. Nang makabalik ang speedboat sa docking area ay agad niyang binuhat ang walang malay na katawan ni Tatjana. Her body was limp and cold in his arms, lighter than he expected, and he could feel the faint rise and fall of her chest. Agad na ipinasok niya ito sa loob ng isang silid sa yacht at agad niyang pinunasan ng malinis na bimpo ang sugat nito, pagkatapos ay binalot niya ng blanket ang basang katawan nito dahil kahit na wala itong malay tao, nararamdaman nila ang panginginig ng katawan nito. "Jackson, utusan mo ang captain na bilisan ang yacht para makarating agad tayo sa isla ko. Kailangang matignan ng doktor ko ang kalagayan ng batang ito. Tell the captain to push the engines to full speed, we can't afford any delays." Sabi ni Wilbert. Agad namang tumalima ang tinawag niyang Jackson, his right-hand man and closest friend. Kinuha agad ni Jackson ang radio sa loob ng silid at inutusan ang captain na bilisan ang makina upang makabalik agad sila ng private island na pag-aari ni Wilbert. Jackson was more than just a subordinate, he was like a brother to Wilbert, having stood by him through the darkest days of the mafia wars. Naramdaman nila ang pagbilis ng usad ng yacht kaya tumingin sa paligid si Wilbert na tila ba may hinahanap ito. Panay ang lingon niya hanggang sa napansin na siya ni Jackson. "Bro, where's Vitiello?" Tanong ni Wilbert. Lumabas naman agad ng silid si Jackson at hinanap ang Vitiello na hinahanap ng kanyang pinuno. Hindi naman nagtagal ay isang magandang babae na nasa edad thirty-five na ang pumasok sa loob ng silid, nakatitig ito sa dalagitang nakahiga sa kama habang kunot ang kaniyang noo. "Hinahanap mo ako?" Tanong niya. "Change her clothes. May mga bagong damit pa yata diyan ang anak mong si Woja, pagamit mo muna sa kanya at mukha naman silang magka-edad lang. Nilalamig na ang batang ito at mataas na rin ang lagnat niya, kaya please lang, bihisan mo muna siya." Sabi nito. "Stop calling me Vitiello, Naomi ang pangalan ko." Inis na sabi nito kaya natawa ng mahina si Jackson at si Wilbert. Si Naomi ay ang kanyang chief advisor at isa sa magaling niyang assassin. "Okay, lumabas muna kayong lahat diyan at ako na ang bahala sa batang 'yan. Masyado na siyang maputla, mukhang maraming dugo na ang nawala sa kanya. Makalipas ang mahigit na tatlong oras na biyahe nila sa dagat ay nakarating sila sa isang private island na pag-aari ni Wilbert. Malaki ang island kumpara sa island na minana ng ina ni Tatjana. Makikita sa lugar na hindi basta-bastang pinuno ng organisasyon ang lalaking sumagip kay Tatjana... the island boasted a grand villa perched on a cliff, surrounded by armed guards, helipads, and even underground bunkers. It was a paradise fortified like a fortress, a testament to Wilbert's power and paranoia after losing his loved ones. Buhat na ni Wilbert ang wala pa ring malay na dalagita, carrying her with the gentleness of a father, his muscular arms careful not to jostle her. Agad niya itong ipinasok sa loob ng isang tila mini hospital ng private island niya, a fully equipped medical center that rivaled any city hospital, complete with operating rooms, labs, and recovery suites. It was one of the perks of his wealth and influence and he never wanted to be caught unprepared again. Agad namang lumapit ang dalawang doktor na duon na halos nakatira at nagmamadali nilang ineksamin ang kalagayan ni Tatjana. Kumpleto sa gamit ang mini hospital, MRI machines, ventilators, blood banks kaya wala siyang inaalala na kailangan pang dalhin sa malayong city ang dalagita maliban na lang kung wala silang makukuhang dugo na kakailanganin nito. Pero kung may supply naman na kakailanganin nila, kaya na itong gamutin ng dalawang doktor niya at may mga nurses din na pwedeng mag-alaga sa dalagita habang nagpapagaling ito, Wilbert felt a sliver of relief amidst the tension. "Senyor, kami na ho ang bahala sa kanya. Huwag kayong mag-alala dahil gagawin namin ang lahat para mapagaling siya." Sabi ng isang doktor. Agad namang tumango si Wilbert, though it took effort to step back. Lumabas na siya sa emergency room at hinayaan na niya na matignan ng mga ito ang dalagitang sinagip nila. "Mag-iingat ka, Wilbert. Baka pain 'yan ng mga taong pumatay sa pamilya mo at ikaw naman ngayon ang target nila. Tandaan mo, buhay pa ang mga hayop na 'yon kaya pwedeng ginamit nila ang batang 'yon para malaman ang kinaroroonan natin ngayon." Mahinang sabi ni Jackson sa kanya. Isang ngisi naman ang gumuhit sa labi ng pinuno niya at bahagya itong umiling. "I don't think na padala 'yan ng kalaban. Look at her bro, sigurado ako na may trahedyang nangyari kaya siya lumulutang sa dagat at inanod sa lugar na 'yon. She's just a kid, innocent and battered by the storm. Sana okay lang siya, pero mukhang marami ng dugo ang nawala sa kanya kaya hindi pa rin siya nagkakamalay. Ni hindi nga natin alam kung ilang araw na ba siyang lumulutang sa dagat, exposed to the elements, fighting for every breath." Sagot nito, nakaramdam pa ito ng lungkot ng maalala niya ang hitsura nito ng makita nila ito sa dagat. Natahimik naman si Jackson, processing the words at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya, rubbing his chin thoughtfully. Natahimik silang pareho, at hindi naman nagtagal ay lumabas ang doktor sa emergency room at agad silang nilapitan nito. Makikita sa mukha ng pinuno ng Black Serpents ang matinding pag-aalala ng makita niya ang malungkot na reaksyon ng kanyang doktor. "Kailangan siyang masalinan ng dugo at wala na tayo sa blood bank ng dugo na kailangan natin para sa kanya. Type A positive ang dugo niya, at kailangang-kailangan na masalinan siya bago mahuli ang lahat. Maraming dugo ang nawala sa kanya from the head wound and exposure, at ang sugat niya sa ulo ay infected na kaya binigyan ko agad siya ng antibiotic para sa infection. Mahinang-mahina ang pulso niya dahil marami ng dugo ang nawala sa kanya at ang taas-taas pa ng lagnat niya. I think pag-gising niya ay wala siyang maaalala na kahit na ano sa nakaraan niya, possible amnesia from the trauma, pero huwag kayong mag-alala dahil sa mga ganyang cases ay bumabalik din agad ang mga memories nila makalipas lang ng ilang linggo o buwan, sometimes even sooner with proper care." Sabi ng doktor, his voice professional yet empathetic. Bumagsak naman agad ang balikat ni Wilbert ng marinig ang sinabi ng doktor, parang bigla siyang nakaramdam ng awa sa dalagita. Amnesia? A child with no memories, no family? Pero napalingon sila ng mabilis na nagsalita si Jackson. "Ako, type A positive ang dugo ko. Kuhanan mo agad ako ng dugo at salinan ang batang 'yon. I can't let her suffer like this, let's do it now." Wika nito, rolling up his sleeve without hesitation. Napangiti naman ang doktor, relieved at agad siyang iginiya papasok sa loob ng emergency room. Pero isang boses ang nagpalingon sa kanila, breaking the tension. "Dad, ano po ang nangyayari?" Tanong ng isang binatilyo na nasa edad na labing-apat na taong gulang na. It was Thessius, Jackson's son, with messy hair and wide eyes, looking both curious and concerned. He had been playing video games in the villa when he heard the commotion and came running. "Thessius, stay with Uncle Wilbert, mamaya ko na lang ipapaliwanag sa'yo ang lahat. Just know we're helping someone who needs it badly." Wika Jqckson, tinapik-tapik pa niya sa balikat ang kaniyang anak before disappearing into the room with the doctor. Lumipas pa ang ilang sandali ay lumabas na ang doktor at sinabi na match ang dugo nila at healthy din si Jackson kaya isinasagawa na ang pagsasalin ng dugo sa dalagita. The procedure was straightforward. Kaya tila ba nakahinga ng maluwag ang pinuno ng Black Serpents, his broad shoulders relaxing slightly at sumilip pa ito sa loob ng emergency room. Napangiti siya habang pinagmamasdan niya ang dalagitang nakahiga sa puting kama, tubes connected to her arm, her chest rising steadily now. Kung hindi pinatay ang kanyang pamilya years ago in that ambush, sa tingin niya ay kasing edad na ng dalagitang 'yon ang kanyang anak, a daughter he never got to raise. The thought stirred something paternal in him, a longing he thought was buried. "Sino ka ba talaga at paano ka napunta sa lugar na ito? Nasaan ang pamilya mo? Ano ang nangyari sa'yo? Were you in a boat accident? Lost at sea during the storm? God, sana makaligtas ka." Mahinang wika ni Wilbert sa kanyang sarili habang nakatitig siya sa walang malay na dalagita. "Uncle Wilbert, sino po ang batang 'yon?" Biglang napalingon si Wilbert at ngumiti ito kay Thessius na nakatayo na pala sa tabi niya. Pagkatapos ay tinignan niya ang dalagita at saka siya ngumiti ng matamis, a rare softness in his usually stern features. "Siya ang magiging anak ko, Thessius. My little girl from now on. Kaya poprotektahan mo siya para walang umapi sa kanya, naiintindihan mo ba ako? You'll be like her big brother, watching over her." Mahinang sabi nito sa binatilyo, placing a hand on his shoulder. "Aye, aye sir! Magiging secret protector po niya ako. I'll make sure no one messes with her and that's my promise!" Mahinang sabi ni Thessius, at sumaludo pa ito sa kaibigang matalik ng kanyang ama. "Sino ang tinutukoy mo, Thessius?" Boses naman ng isang binatilyo na kasama naman ng isang lalaki. Napalingon sa kanila si Wilbert at si Thessius. "Maximo, ang babaeng 'yon ang tinutukoy ko, ang ganda niya hindi ba? Look at her... parang sleeping angel." Sagot ni Thessius, pagkatapos ay muli niyang ibinalik ang tingin sa dalagitang nakahiga sa kama at wala pa ring malay. "Sino siya? Uncle Wilbert, ako na lang po ang magbabantay sa kanya, at paglaki ko ay pakakasalan ko po siya. She's perfect, I'll be her knight in shining armor." Sabi naman nito na ikinagulat ni Wilbert at ng lalaking kasama nito. Maximo's eyes sparkled with boyish crush, imagining grand adventures and futures na kasama ang dalagitang nakahiga sa kama. Natawa naman si Wilbert at ang ama ni Maximo na walang iba kung hindi si Joseph Frosthelm. Ginusot-gusot pa nito ang buhok ng kanyang anak habang natatawa sila ni Wilbert. "Maximo, napakabata pa ninyo para iyan ang isipin mo. You're talking marriage at thirteen? Slow down, kiddo." Sabi ng kaniyang ama. "Nakakatuwa talaga itong inaanak ko. Pero gusto ko ang idea na 'yan, protective and all. Sana ay ulilang lubos na ang batang 'yon para ako na lang ang magiging ama niya. Mamahalin ko siya na parang tunay na anak, raise her right, give her the life she deserves at siya ang magiging tagapagmana ko." Wika nito. Mahina namang natawa ang kaibigan niya. Si Joseph ang isa sa matalik niyang kaibigan, tatlo sila, siya, si Jackson, at si Joseph pero si Joseph ay hindi nabibilang sa organisasyon niya at isa lamang itong kilalang negosyante. Kararating lang nito kaninang umaga upang bisitahin ang mga ito gamit ang helicopter, at nagdala din siya ng ilang mga dokumento na kailangang pirmahan ni Wilbert, business deals that blurred the lines between legal and shadow operations. "You're right bro, this kid's got spirit. And yeah, if she's truly alone, pwede mo siyang kupkupin at ituring mo na isang tunay na anak. Kailangan mo ng tagapagmana, at mukha namang mabait ang batang 'yon." Sabi ni Joseph. Ang laki ng pagkakangiti ni Wilbert sa narinig niya. "Narinig mo 'yon Thessius? Gusto ni Uncle Wilbert sa idea ko. I'm claiming her first!" Pagmamalaki ni Maximo, his voice teasing. Pagkatapos ay tumuwad ito ng bahagya at itinapat ang puwitan kay Thessius at saka niya ito ikinembot ng ikinembot upang asarin ang binatilyo, a playful butt wiggle na nagpagulat kay Wilbert at kay Jackson. Pagkatapos ay binelatan niya si Thessius... sticking out his tongue in mock rivalry. Thirteen years old si Maximo, mas matanda lang ng isang taon si Thessius sa kanya. "Hey, no fair! Ako muna ang protector niya at ikaw lang ang sidekick." Inis na sabi ni Thessius kaya natatawa na si Joseph at si Wilbert. Sinaway na rin nila ang dalawa bago pa magkapikunan ang mga ito. "Marami kang ikukuwento sa akin tungkol sa batang 'yon. Tara sa mini office mo at may kailangan ka pang pirmahan. Kanina pa kita hinahanap, pero ang sabi ng mga tauhan mo ay naglalayag daw kayo. At pagbalik ninyo ay may kasama na kayong batang babae." Sabi ni Joseph. Napangiti naman si Wilbert at muling sinulyapan ang dalagita. "Thessius, Maximo... dito lang kayong dalawa at bantayan ninyo ang bagong anak ko. Kapag hinanap ako ng doktor ay puntahan agad ninyo kami sa office ko, nagkakaintindihan ba tayo?" Sabi ni Wilbert. Mabilis namang tumango ang dalawa. Itinaas pa ni Maximo ang espadang kahoy niya at isinampa sa balikat niya at tumayo sa harapan ng pintuan ng emergency room. Tawa na tuloy sila ng tawa. "Teka, kukuhanin ko naman ang toy gun ko para magbabantay din ako." Sabi ni Thessius at nagmamadali na itong umalis upang magtungo ng villa at kuhanin ang kanyang dalawang toy gun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD