CHAPTER 39

2038 Words

-SCARLET BETHANY- Pagkababa ko sa sala ay wala pa sina Mommy, Daddy, at Billy. Tapos na akong mag-ayos. Simpleng royal blue na dress at heels lang naman ang suot ko. Hindi naman ako kasama sa abay kaya puwede na ang ganito. Si Daddy naman ay kinuhang ninong kaya naka-suit. Nasaan na kaya si Yvan? Bakit ako pa lang ang nandito? Napatingin ako sa taas ng may marinig akong tunog. Nakita ko si Billy na pababa na at inaayos ang necktie niya. Naka-royal blue na long sleeves, black slacks at black shoes siya. Pagkababa at pagkalapit niya sa akin ay tinulungan ko siyang mag-ayos ng necktie. "Nasaan na sila? Nakaalis na?" tanong niya bigla. "Hindi pa nalabas." Naupo na ulit ako ng matapos kong ayusin ang necktie niya. Sabay kaming napatingin sa pinto ng bumukas ito. Pumasok si Yvan. Halos pare

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD