-SCARLET BETHANY- Pagkalabas namin ni Billy sa guidance office ay hinila niya agad ako sa kung saan. "Saan ba tayo pupunta?" "Cafeteria." "Ano'ng gagawin natin doon?" "Tubig." Hinayaan ko na lang siyang hilahin ako. Mukhang kailangan ko nga ng tubig para kumalma. Napunta bigla ang atensiyon ko sa mga estudyante sa paligid dahil puro sila bulungan. "Oh my gosh! Sino kaya 'yong kasama ni Billy?" "Baka girlfriend niya! Ang ganda!" "Wala na tayong pag-asa! May girlfrend na pala!" "Billy! My Babe! Bakit mo ako pinagpalit!" Masama ko namang tiningnan ang mga babaeng nagbubulungan. Ang iingay nila! Mainit ang ulo ko kaya huwag nila akong inisin! "Mukhang mataray!" "Maldita!" "Hindi maganda!" Haharapin ko sana ang nagsabi no'n ng pigilan ako ni Billy. "Hayaan mo sila. Tara na.

