-SCARLET BETHANY- Kararating lang nina Daddy, Billy, at Yvan. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Sana talaga ay magustuhan nila ang niluto ko. Sabay-sabay na kaming pumunta sa silid-kainan. "Jillian, nandito ka pala!" gulat na wika ni Daddy. "Yes, Sir! Nakarating po kasi sa akin na magluluto raw po si Best ngayon. Supportive bestfriend lang po ako," hyper na sagot nito. "Lakas talaga ng radar mo sa mga chismis," pang-aasar ko sa kaniya bago umupo. "Chismis tungkol lang sa'yo, Best! Wala akong pakialam sa iba." Natuwa naman ang puso ko sa sinabi niya. Kahit hindi kami laging nagkaka-bonding ay hindi niya pa rin ako kinakalimutan. Todo suporta pa rin siya. Babawi talaga ako sa susunod. "Magdasal na tayo. Gusto ko ng matikman ang luto ni Sweety," excited na wika ni Daddy. Nagdasa

