-SCARLET BETHANY- Kabababa lang namin ng airplane at kakukuha lang namin ng mga gamit. Medyo dumami ng kaunti ang mga dala namin dahil sa mga pasalubong na binili namin. Siya pa rin ang may dala ng maleta ko at ng gamit niya. Ako na ang nagdala ng mga pasalubong. Inaabangan na siguro nila kami dahil nag-chat si Daddy kanina na papunta na sila. Pagkapasok namin sa airport ay sumalubong sa amin ang napakaraming tao. Medyo nahirapan kami sa paghahanap sa kanila. Mabuti na lang ay nakita kami ni Daddy. "Sweety! Yvan!" Lumapit agad kami sa kanila. Kumpleto silang lahat kasama si Nanay Yvette. "Daddy! Mommy! Billy! Nanay Yvette!" sunod-sunod na tawag ko sa kanila. Binaba ko sa harap nila ang mga dala ko at isa-isa silang niyakap. Nang si Billy na ang yayakapin ko ay napatingala pa ako. "

