-SCARLET BETHANY- Excited na lumabas ako sa kuwarto at naabutan ko si Yvan na nakaupo sa sofa. Mukhang may kinakalikot siya sa cell phone niya. "Yvan! Anong ginagawa mo? Sino ka-chat mo?" Nakiki-chismis lang talaga ako. Tinago naman agad niya ang phone sa bulsa niya. "W-Wala. Tara na?" Nagtataka man ay pinagsawalang bahala ko na lang. "Tara na! I'm so excited!" Lumabas na kami sa hotel saka sumakay ng taxi. Plano naming maglibot-libot kahit saan at ihuhuli naming puntahan ang Eiffel Tower. Maghahanap na rin kami ng mga pasalubong na iuuwi namin. Ilang minuto lang ay tumigil na ang taxi na sinasakyan namin. Ibinaba niya kami sa isang park. Pagkababa namin ay bumungad sa akin ang ganda ng park na ito. Marami ulit puwedeng kainan at maraming puwedeng bilhan ng souvenir. Napatingin ak

