-SCARLET BETHANY- Maaga akong pumasok sa trabaho dahil na rin sa hindi ako nakapasok kahapon. Sa totoo lang hindi ako halos nakatulog kagabi dahil iniisip ko kung ano nga ba ang nararamdaman ko para kay Yvan. Kaya lang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin masagot ang tanong na iyon. Natapos ko na nga lahat ng pending na trabaho ko pero wala pa rin akong maisagot. Kailangan ko pa bang mag-review para lang masagot ko iyon? Napakahirap naman! Narinig kong may kumakatok sa pinto. "Pasok!" tugon ko sa kumakatok. Pumasok naman ito at nakita ko ang secretary ko. Tumungo muna siya at bumati bago sinabi ang kaniyang pakay. "Ma'am ngayon po ang punta ni Mr. Smith para sa mga gown na gagamitin nila sa kasal. Okay na po ba?" magalang na wika nito. "Oo, okay na. Anong oras ang darating?" tanong ko ha

