-SCARLET BETHANY- Nagising ako dahil sa lamig na nararamdaman ko. Napatingin ako sa paligid at na-realize kong wala ako sa sariling kong kuwarto. Teka! Nasaan nga ulit ako? Ahh! Nandito nga pala ako kina Yvan. Napatingin ulit ako sa kuwarto. Sa kaniya siguro ito. Simpleng kulay puti lang naman ang ayos ng kuwarto niya. Blue naman ang kulay ng kama. Wala masyadong naka-display, tanging litrato lang ng pamilya niya ang nakadikit sa dingding. Anong oras na ba? Napatingin ako sa bintana. Hala! Madilim na! Agad naman akong tumayo at dumiretso sa cr ng kuwarto niya. Nag-ayos lang ako saglit ng sarili bago bumaba. Nang makababa ay napatingin ako sa lalaking nakahiga sa sofa. Napangiti na lang ako. Talagang siniksik niya ang sarili sa sofa kahit hindi naman siya kasya. Pumunta ako sa harap ng

