-SCARLET BETHANY- Marahan akong ibinaba ni Yvan sa upuan. Hindi ako nakapagsalita. Namumula pa rin ako sa hiya. Bakit ba kasi niya ginawa ang mga iyon? Umalis siya saglit at pagbalik niya ay dala na niya ang electric fan. Inayos niya ito at itinapat sa amin. Akala ko ay uupo na siya pero nagkamali ako. Tumapat siya sa akin na ipinagtaka ko. Tumingala ako para makita ang mukha niya at tanungin pero ang sumalubong lang sa akin ay isang panyo. Marahan niyang pinupunasan ang pawis ko sa mukha. Ilang minuto pa bago ako magising sa pagkakatulala. Kinuha ko ang panyo sa kaniya at ako na ang nagpatuloy sa pagpupunas ng sarili kong pawis. Nakakainis siya! Ano ba ang ginagawa niya?! Kanina pa siya gumagawa ng mga bagay na hindi naman dapat niya ginagawa! "Magdasal muna tayo bago kumain," wika ni

