-SCARLET BETHANY- Nang matapos sa pagbibihis ay agad naman akong lumabas ng kuwarto ko. Naabutan ko naman silang inaayos ang mga damit ko. Hinayaan ko na sila at nagtungo ako sa salamin. Kukunin ko na sana ang make-up ko ng may humawak sa kamay ko. "Huwag ka ng mag-make-up," wika ni Yvan. "Ha? Bakit? Ahh! Sa kotse na lang! Late na tayo!" wika ko habang kinukuha ang mga make-up ko. "Hindi mo na kailangan niyan. Maganda ka na," wika niya na nakapagpatigil sa ginagawa ko. "Stop it, Yvan!" seryosong wika ko bago ko pinagpatuloy ang pagkuha ng mga make-up ko. Nagulat na lang ako ng may kuha ng hawak ko. "I'm serious. You are pretty, with or without make-up. Mas gusto kong wala kang make-up. Let's go!" wika niya bago ako hinila. Tulala ako habang patuloy pa rin niya

