-SCARLET BETHANY- Pagkarating sa bahay nina Nanay Yvette ay agad niyang binuksan ang aircon. Mukhang maayos na ito. "Feel at home! Puwede kayong mag-ikot-ikot sa buong bahay. Magluluto lang ako ng kakainin natin. Salamat nga pala sa pagkain kahapon," nakangiting wika ni Nanay. "Wala pong anuman, Nanay! Puwede po ba akong makigulo sa pagluluto mo po?" "Oo naman! Tuturuan kita." Tuwang-tuwa naman ako. "Dad, diyan ka po muna! Manood ka po muna ng t.v!" Natawa naman siya sa sinabi ko. "Sige. Sarapan mo ang luto, Sweety!" "Oo naman po!" Bago kami mag-umpisa ay pinagpalit muna ako ng damit ni Nanay. Damit ni Yvan ang pinasuot niya sa akin para raw mahaba. Mayroon naman akong suot na cycling kaya okay lang. Naka-tsinelas na pambahay na rin ako. Pagkarating sa

