-YVAN JAMES- Kasalukuyan na kaming kumakain ng tanghalian. "Ang sarap talaga ng luto ninyo! Tinalo ninyo pa ang chef namin!" tuwang-tuwang wika ni Tito Greg. "Oo nga po!" wika naman ni Bethany. Napangiti na lang ako ng magustuhan niya ang niluto namin ni Nanay. "Salamat po. Masarap din po ang luto ni Manang Lorie, lalo na po 'yong pinadala ninyo kahapon." Napakunot naman ang noo nila sa sinabi ko. "Hindi si Manang Lorie ang nagluluto ng pagkain namin. Matanda na kasi siya kaya kumuha na kami ng chef. Pinapadala lang iyon sa bahay at si Manang Lorie ang mag-aayos at maghahanda," paliwanag ni Tito Greg. "Ganoon po pala. Mabuti nga po iyon dahil baka hindi na kayanin ng katawan niya. Bakit po pala nagtatrabaho pa rin po siya?" "Sinabi ko na sa kaniya iyan kaya lang ay ayaw niya. Na

