-SCARLET BETHANY- Pagkatapos naming mag-usap at mag-iyakan ni Mommy ay gumaang ang pakiramdam ko. Nawala ang bigat na dala-dala ko simula pa noon. Napawi ng isang araw na iyon ang lahat ng pangungulila, kalungkutan, at galit na nararamdaman ko. Napalitan ito ng saya, pag-asa, at pagmamahal. Nangako si Mommy na babawi siya sa akin kahit paunti-unti. Nag-usap din sila ni Daddy ng araw na iyon at nagalit siya sa mga nalaman niya. Hindi niya hinayaang umuwi si Mommy ng hindi siya kasama. Kinuha nila ang kapatid kong si Billy at nagsampa sila ng kaso laban sa kinakasama ni Mommy. Ngayon ay magkakasama na kami sa mansiyon. Hindi pa kami ganoong ka-close ni Billy pero sinusubukan pa rin namin. Hindi kasi kami sanay na may kapatid. Magkahiwalay ang kuwarto nina Mommy at Daddy dahil alam ko naman

