-SCARLET BETHANY- Sunday na ngayon at magsisimba na kami. Kahapon kami nakauwi ng bahay galing sa Cebu. Sobrang dami naming nagawang iba’t ibang aktibiti. Minsan ay partner at minsan naman ay group naming ginagawa ang aktibiti. Marami rin kaming nabiling iba’t ibang mga souvenir at mga pagkain. Gusto ko pa sanang magpahinga ngayon at humilata kaya lang ay kailangan naming magsimba. Parte na iyon ng buhay namin na hindi dapat kalimutan. Pagkababa ko ay nakita ko sina Mommy, Daddy, Billy, at Jillian. Mukhang ako na lang ang hinihintay nila. Kasama namin ngayon si Jillian dahil gusto niya raw magsimba. Pagkalapit ko sa kanila ay agad din kaming lumabas ng bahay at sumakay ng kotse. Tahimik kami sa buong biyahe hanggang sa makarating kami sa church. Sinalubong kami ni Nanay Yvette kaya lang

