CHAPTER 42

2017 Words

-SCARLET BETHANY- Pawis na pawis na ako sa kahahanap ng susuotin. May aircon naman pero tagaktak pa rin ang pawis ko. Magkikita kami ngayon ni Yvan at mag-aayos ng coffee shop at hindi ko alam kung anong susuotin ko. Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Pumasok si Mommy. "Baby, kanina pa ako kumakatok kaya lang ay hindi ka sumasagot. Pumasok na ako. Bakit ba ang tagal mong bumaba? Kanina pa nasa baba si Yvan," wika niya habang nakakunot ang noo. Napatingin naman siya sa mga damit kong nagkalat. "Hindi ko po alam ang susuotin ko," nanlulumong wika ko. "Akala ko naman ay napakalaki ng problema mo. Kahit naman anong suotin mo ay maganda ka pa rin. Kung saan ka kumportable ay iyon ang suotin mo." Tumingin ako sa paligid kung saan nakakalat ang mga damit ko. Kinuha ko ang isang blue na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD