-SCARLET BETHANY- Tapos na kaming mamili ni Jillian at hinihintay na lang namin ang pagbabalik ni Yvan. Medyo marami ang mga dala namin kaya kailangan talaga namin siyang hintayin. Naupo muna kami sa bench at binaba ang mga dala namin. "Scarlet!" Napatingin ako sa taong tumawag sa akin. Napasimangot naman ako ng makilala ko kung sino ito. "Why are you here? What do you want, Mr. Roxas?" seryosong tanong ko. "Wala naman. Naglilibot kasi ako nang makita kita kaya lumapit na ako. Ang dami mo yatang pinamili. Tulungan na kita," nakangiting alok niya. "Ehem! Ehem!" wika ni Jillian na ikinatingin namin sa kaniya. "Hi! Kasama ka ba ni Scarlet? I'm James Roxas," pakilala niya kay Jillian bago inabot ang kamay niya. Inabot naman agad ni Jillian ang kamay nito. "I'm Jillian, bestfriend ni S

