-SCARLET BETHANY- Tumayo na ako sa pagkakaupo at nag-unat-unat ng katawan. Sa wakas ay nakuha na lahat ng mga gown at suit na pinagawa ni Mr. Roxas. Kaunti lang naman ang abay nila kaya natapos agad namin itong gawin. Napahinto ako sa pag-uunat ng bumukas ang pinto. Nagulat pa ako ng sunod-sunod na pumasok sina Mommy, Daddy, Billy, at Yvan. Ano'ng meron? "Sweety! Mabuti ay sakto ang dating namin. Mukhang kauubos lang ng mga tao rito," wika ni Daddy bago lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo. Pagkatapos ay dumiretso siya ng upo sa mahabang sofa. Sumunod sa kaniya sina Billy at Yvan. Si Mommy naman ay lumapit sa akin bago ako hinalikan sa pisngi. "Ano po bang meron, Mommy? Bakit nandito po kayong lahat?" Nginitian niya lang ako bago hinila palapit kina Daddy. Naupo na muna kaming dala

