-SCARLET BETHANY- Natapos na namin lahat ng nasa program at ngayon ay kasalukuyan nang kumakain ang mga bisita. Nasa stage pa rin ako kasama si Yvan at kumakain na rin kami. Sa palagay ko ay aalis na rin ang mga bisita pagkatapos nilang kumain. Malalim na rin kasi ang gabi at alam kong may mga trabaho pa ang iba. Napatingin kami sa mga bisita ng sabay-sabay nilang patunugin ang mga wine glass gamit ang kutsara. Naguluhan naman ako sa kanila. Ang alam ko ay sa mga kasal lang iyan ginagawa kapag gusto nilang mag-kiss ang bagong kasal. Hindi naman ito kasal bakit nila ginagawa iyan? "Ehem! Ehem! Hello, Best! Alam kong nalilito ka kung bakit nila ginagawa iyan. Hindi ibig sabihin niyan ay magki-kiss kayo pero kung gusto ninyo naman ay puwede rin," wika ni Jillian na ikinatawa at ikinatili

