CHAPTER 46

2072 Words

-SCARLET BETHANY- Pagkarating namin sa bahay nina Yvan ay agad kaming sinalubong ni Nanay Yvette. Lagi niya akong mainit na tinatanggap sa kanilang bahay. Isa sa mga katangiang minahal ko sa kanila. "Mabuti ay napabisita ka, Anak. Nami-miss ka na ng bahay namin," masayang wika ni Nanay Yvette. "Iyong bahay lang po ba?" kunwari ay nagtatampong tanong ko. "Siyempre pati kami. Ikaw talaga. Halika't pumasok na kayo. Hinanda ko na ang mga gagamitin at lulutuin ninyo." "I miss you too po! Salamat po sa pag-aasikaso sa amin." Sabay-sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay nila. "Wala iyon. Alam mo namang hindi ka na iba sa amin. Anak na ang turing ko sa'yo." "And you are my nanay!" "Oo naman! Oh siya, isuot mo na ang mga dapat suotin. Akin na iyang bag mo. Ako na ang magtatabi," wika

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD