-SCARLET BETHANY- Nasa kotse na kami ngayon at ihahatid niya ako pauwi sa amin. Nawala ako sa mood dahil sa mga pinagsasabi ni Hanny. Naiinis ako sa kaniya pero pinipigilan ko ang sarili kong gumawa ng gulo. “Bethany,” tawag ni Yvan na ikinalingon ko. “Are you okay? Kanina ka pa tahimik. May problema ba?” nag-aalalang tanong niya. “Wala naman. Iniisip ko lang ‘yong mga desenyo na gagawin ko. By the way, gaano na pala kayo katagal na magkakilala ni Hanny?” “Magkababata kaming dalawa. Nagkakilala kami sa church. Hindi kami ganoong kalapit sa isa’t isa pero magkalaro kami noong mga bata pa. May mga kaibigan siya at may mga kaibigan din ako.” “Ahh, pero malapit din siya kay Nanay Yvette?” Saglit siyang napalingon sa akin bago pinagpatuloy ang pagmamaneho. “Last year lang sila naging clo

