-SCARLET BETHANY- Pagkarating ko kina Yvan ay maayos kong pinarada ang kotse ko sa gilid ng bahay nila. Pagkababa ko ay sinalubong na ako agad ni Nanay Yvette. “Good evening po, Nanay Yvette!” bati ko bago siya niyakap. “Good evening din sa’yo! Ginabi ka na. Mabuti ay nakarating ka ng ligtas. Kumain ka na ba?” Sabay na kaming pumasok sa loob. “Hindi pa po. Pagkauwi ko po galing sa trabaho ay umuwi lang po ako para magpaalam kina Mommy at Daddy. Kumuha na rin po ako ng extra na damit.” Naupo na kami ni Nanay sa sala. Humarap naman siya sa akin. “Damit? Dito ka matutulog? Pumayag ba ang Mommy at Daddy mo?” gulat na tanong niya. “Opo, pumayag po sila. Ganoon po kalaki ang tiwala nila kay Yvan," proud na wika ko. “Masaya ako kung ganoon. Ihahanda ko ang kuwarto sa tabi ng kuwarto ni Yv

