-SCARLET BETHANY- Natahimik saglit si Yvan bago sinagot ang tanong ko. "Magkaibigan tayo 'di ba?" Seriously? Ako lang ba? Ako lang ba ang nag-iisip na may nararamdaman din siya para sa akin? Mali ba ako? "Ano'ng meaning ng mga ginagawa mo para sa akin? Sobra ka kung mag-alala. Ayaw mong nagsusuot ako ng maiikli. Lagi mo akong inaalala at inaalagaan. Kaibigan lang ba 'yon?" "Bethany... please..." Naramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko. Pinigilan kong tumulo ang mga luha ko. "K-Kaibigan lang ba talaga, Yvan?" Hinawakan niya ang kamay ko na lalo kong ikinainis. "Iyan ka na naman!" nasasaktang sigaw ko bago ko inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko. Nakita kong dumaan ang sakit sa mga mata niya. Hindi ko talaga siya maintindihan. "Sagutin mo ako! Sabi mo ay sasagutin

