-SCARLET BETHANY- Limang taon na ang nakalipas simula nang lumipad kami ni Billy papunta rito sa New York. Marami na ang nagbago. Hindi lang sa akin kung 'di pati na rin sa mga pangarap ko. Mas malakas at mas matatag na ako ngayon. Noong pumunta kami rito ay naka-condo lang kami pero sa paglipas ng taon ay nakapagpatayo na kami ng bahay. Mayroon na rin akong sarili kong boutique at pagawaan ng clothes. Sikat na rin ito sa buong mundo. Nakapagpatayo pa ako ng branch sa iba't ibang bansa. Si Billy naman ay tapos na ng pag-aaral at nakapagpatayo na ng sarili niyang restaurant. Never na kaming nakabalik sa Pilipinas dahil sina Mommy, Daddy, at Jillian na ang pumupunta rito para magbakasyon. Dito na rin namin pinagdiriwang ang Pasko, Bagong taon, at mga Kaarawan. Masaya na ang buhay namin sa

