-SCARLET BETHANY- Monday na ngayon at medyo maayos na ang mga sugat ko. Medyo nawawala-wala na rin ang pasa sa tagiliran ko. Binisita ako ni Nanay Yvette noong Sabado at Linggo. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit hindi niya kasama si Yvan. Na-turnoff ba siya dahil nakipag-away ako? "Sweety!" Napalingon ako kay Dad ng tawagin niya ako. "Bakit po?" "Kailangan kong pumunta sa opisina ngayon dahil may mahalaga akong meeting. Papupuntahin ko si Yvan dito para may kasama ka," wika niya habang inaayos ang kurbata niya. "H-Huwag na, Dad! Kaya ko naman po ang sarili ko! Marami akong kasama rito sa bahay at nandito rin naman si Jillian!" hindi mapakaling wika ko. "No. Hindi ako mapapakali sa meeting kakaisip kung nasa maayos na kalagayan ka ba. Mas makakampante ako kung k

