-YVAN JAMES- Nandito kami ngayon sa ospital. Hinihintay namin ang paglabas ng doktor sa loob ng room ni Scarlet. Si Tito Greg naman ay hindi na mapakali sa sobrang pag-aalala. Nagulat ako kanina nang nagmamadaling lumabas si Tito Greg sa office. Kung hindi ko pa siya nilapitan ay baka wala pa rin ito sa wisyo. Sinabi niya sa akin na may sinugod raw si Bethany at hindi alam ng secretary nito kung paano sila aawatin. Nang malaman ko iyon ay nag-alala agad ako sa kaniya. Baka mapahamak siya at wala na naman akong magawa. Nang makita ko siya kanina na puno ng kalmot sa katawan at gulo-gulo ang buhok ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Sobra ang guilty na nararamdaman ko. Hindi ko siya responsibilidad pero gusto ko siyang ingatan at alagaan. Sobrang na-disappoint ako sa sarili ko

