13: Connor

1087 Words
Iniabot ko kay Emily ang susi ng pinto ng opisina ni Mr. Clown, ang patawa kong naudlot na boss, Connor Patrick McDonnald. Ini-english english pa niya ako kanina. Napalaban tuloy ako. Nakatingin pa rin sa akin ang ilan sa mga empleyado ng McDonnald Group. Ano ba naman yung mag-ala flash ako sa pagtakbo kanina. Hanga siguro sila sa'kin kasi nakaheels ako habang tumatakbo. And speaking of heels, sobrang sakit na ng paa ko. Yumuko ako at tiningnan ang paa ko, "Ugh, kaya pala." Pag nga naman minamalas ka, may sugat ang paa ko at wala akong dalang band aid. Great Gemini, great! Medyo natutumba ako habang naglalakad kaya napakapit ako sa dingding. Mabuti't nang makarating ako sa may elevator ay nagbukas agad ito. Nakayuko ako at nakatingin sa paa kong namamaga. Sinubukan kong huwag kumapit sa dingding at ayun, feeling strong ang ate girl niyo, natumba ako. Nagulat ako nang hindi sahig ang sumalo sa akin, bagkus, isang mabangong, mamuscle na lalaki ang nakapayakap sa akin. "Miss okay ka lang?" tanong niya. Itinaas ko ang aking ulo ko at nang makita ko ang kanyang mukha ay mabilis na tumibok ang aking puso. Napahiwalay ako sa kanya, "Z-zach?!" tanong ko. Ngumiti siya sa akin at napakamot sa kanyang ulo, "I knew you'll say that." Ang kisig niya, ang gwapo niya. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking kagaya niya. Tao ba siya o nagbabalat-kayo lang na Diyos? "I'm not Zach, I'm Travis." sabi niya sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa kagwapuhan niyang taglay. Kamukhang kamuha niya si Fafa Zach ko! Naiiyak tuloy ako. Hindi ko kasi siya nakita in person pero ngayon parang dream come true. Di ko napigilan at napayapos ako sa kanya, "I've been waiting for this time Zach!" sabi ko ng iiyak iyak. "B-bakit ka umalis ng The Constellations? Ang sabi sa balita nadepress ka raw? Okay ka na ba ngayon? Nag-aalala ako sa'yo Zach my loves." Patuloy pa rin ang aking pag-iyak habang nakayapos sa kanya. "Ah, Miss? H-hindi nga sabi ako si Zach." sabi niya sa akin. "Hindi, hindi ako maaring magkamali. Ikaw ang isa sa mga loves ko." Nakayapos pa rin ako sa kanya. Di ko namalayan ang pagsara ng elevator. Natauhan lang ako nang nakababa na pala kami. Bumukas ang pinto at kasabay nito ay ang sunod sunod na hiyawan ng mga taong nakaabang. "OMG. Who is she?! Siya ba ang girlfriend ni Sir Travis?!" "Bakit siya umiiyak? Anong ginawa ni Sir Travis sa kanya?" "What's with their position? Are they having s*x or something?!" Sa mga narinig ko ay napakalas ako sa kanya. "Uh-oh." rinig kong sabi niya. "Miss, mukhang namisinterpret nila yung posisyon natin. Ikaw naman kasi, sabi ko sa'yo hindi ako si Zach e." sabi niya at saka ko narealize ang lahat. The Zach I know doesn't know how to speak Tagalog. Napatakip ako ng bibig, OMG! Is he really not my loves?! Sa halip na sagutin ang agam agam ng mga tao sa paligid ay tumayo siya at inalalayan ako. Nakakahiya. "Miss, mukhang sobrang paga na 'yang paa mo, kaya mo pa ba?" tanong niya sa akin. "Ah-eh." hindi ko alam ang isasagot ko, ang awkward ba naman! He is not Zach at kung anu-anong pinagsasabi ko sa kanya. "I'll bring you to the clinic. Mind if I carry you like this?" at sa sunod nyang ginawa ay mas naawkward pa ako. Binuhat niya ako na parang bagong kasal. At muling bumulong ang mga bubuyog sa paligid. "Sir Travis, ano pong nangyari kay Ma'am? Kailangan niyo po ba ng tulong?" tanong ng security sa kanya. "Naku, hindi na. Dadalhin ko lang siya sa clinic para magamot ang paa niya. Medyo paga kasi, siguro dahil ng heels. Miss tumakbo ka ba?" "Ah-eh." hindi pa rin ako makapagsalita. Natatameme ako. "Ay oo nga pala Sir, tanda ko na si Ma'am. Siya yung hinahabol namin kanina." "Ha? Bakit naman?" "Ewan ko ba kay Sir Patrick, Sir. Basta habulin daw si Ma'am e." Naku naman si Manong Sekyu, naulit pa yung nangyari kanina. At itong si kalokalike ni Zach my loves ko, his name is what? Travis? And Si-ne-Sir din siya dito? Does that mean boss din siya? Hanggang sa nakarating kami sa clinic. May dalawang Nurse na nakaduty. Ibinaba niya ako sa bed na naroon. "Nurse, kayo na ang bahala kay--" tiningnan niya ako, oo nga pala I haven't introduced myself yet. "Gemini." He smiled at me, so angelic. "Kayo na ang bahala kay Ms. Gemini. I'm in a hurry, may kameeting kasi ako today." mukhang nagmamadali nga talaga si Travis. "Sige po Sir, kami na po ang bahala sa kanya." "Sige, Ms. Gemini. I assume you're new here? Pagalingin mo yang paa mo and I hope to see you around." sabi niya sa akin. "S-salamat." 'yon na lamang ang nasabi ko at tuluyan na siyang umalis. "Ang gwapo talaga ni Sir Travis noh?" chika chika yung dalawang nurse sa loob. "Sinabi mo pa!" kilig na kilig na sabi nung isa. "Ms. Gemini, ano po bang nangyari?" pang-uusisa sa akin ni Nurse 1. "Huh?" "Swerte niyo kaya Miss. Bago lang po kayo dito and napansin na agad kayo ni Sir Travis. Ibang level!" sabi niya sa akin. Hindi ko sila maintindihan. "S-sino ba siya?" tanong ko sa kanya. Sumagot naman si Nurse 2, "You don't know him Miss?!" Umiling ako, ito talagang si Nurse, magtatanong ba ako kung alam ko? "Well Miss, just so you know, he is the President of this company at apo siya ni Sir Dawson which is the company owner!" Natigilan ako sa sinabi niya. Syems. Kaya pala! Kaya pala big deal sa mga bubuyog ang nadatnan nila kanina. Kaya pala Sir ang tawag sa kanya ng lahat! Kaya pala. Ngayon alam ko na at kailangan kong bumawi sa mga kagagahang ginawa ko kanina. Naalala ko namang muli ang mga sinabi niya, 'I assume you're new here? Pagalingin mo yang paa mo and I hope to see you around.' Hindi ko mapigilan ang hindi kiligin! See you around daw. Pero paano? Kakadecline ko lang ng offer ni Mr. Clown. What to do?! Kung alam ko lang na may gano'ng klaseng nilalang dito e di sana inaccept ko ang offer ni Mr. Clown! Am I too late? Kakaresign ko lang naman diba? Can I just retract my resignation and stay here? Nang matapos gamutin nung Nurse ang paa ko ay dumiretso ako sa elevator. I made up my mind. It's not yet late. Pinindot ko ang button papunta sa 10th floor at dumiretso sa opisina niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD