Lumabas ako sa aking opisina at nagpahangin sa rooftop.
Ganito lang ang madalas kong gawin lalo pa't stress ako.
Nakatingin lang ako sa mga naglalakihang gusali sa harapan ko. Minsan napapaisip ako, paano kaya kung hindi agad nawala si Mama? Makilala ko kaya si Papa?
Muling sumagi sa isip ko ang isa sa mga pangyayaring hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko.
Lumaki akong kasama si Mama. Sa mga panahong 'yon ay hindi ko pa kilala si Papa. Sabi ni Mama sa akin, komplikado raw ang lahat para malaman ko sa murang edad ang rason kung bakit hindi kami maaring maging isang buong pamilya.
Hanggang sa dumating ang araw na iwan niya ako. Nagkasakit si Mama at hindi niya ito nakayanan.
Makalipas ang ilang linggo matapos nyang pumanaw ay pinuntahan ako ni Papa at nagpakilala siya bilang aking ama. Dinala niya ako sa kanilang bahay. Doon ko unang nakita si Caroline.
Same fate as mine, during that time, may sakit ang Mommy ni Caroline. Her Mom got too depressed sa nalaman nitong lihim ni Papa sa kanya which is ako, ang anak ni Papa sa labas na hindi niya matanggap.
Caroline's Mom was never good to me pero ibang iba si Caroline sa kanya. Itinuring niya ako bilang isang buong kapatid.
Hanggang sa dumating ang araw na hindi na nakayanan ng Mommy ni Caroline ang depression. She completely lost her mind and comitted suicied.
Papa got too depressed too sa nangyari. Mula nang pumanaw ang totoo nyang asawa, palagi na siyang umuuwing lasing.
Maging ang kumpanyang kanyang pinalago ay kanyang napabayaan.
Until that thing happened.
Lasing na lasing si Papa gabi no'ng mangyari ang aksidente. Galing siya sa isang party nang mabunggo ang kotseng kanyang sinasakyan sa isang puno. Sinubukan nya kasing iwasan ang isang paparating na truck sa kanyang harapan.
He was dead on arrival at wala nang nagawa pa ang mga doctor.
After Papa's burial, kinuha na kami ni Lolo at sa kanya na tumira.
Lolo's favorite was Caroline. In his house, para lang akong saling pusa. I felt like a stray cat. Nakikisilong dahil sa walang mapuntuhan.
That was never a big deal to me. Alam ko kung saan ako lulugar.
Sabi niya sa amin, kay Caroline niya ipapamana ang kumpanya but fate was too cruel.
A year before the announcement, we found out that Caroline has leukemia.
Hindi ko namalayan ang pagpatak ng aking mga luha.
Tuwing maaalala ko ang nakaraan ay hindi ko mapigilan ang hindi ka maiyak. This is the soft side of mine that I can't hide.
Bumalik na ako sa loob ng building.
I always lose something, from someone who is nothing to someone's dear to me.
Nakasalubong ko ang ilang babaeng empleyado sa kumpanya.
Mukhang hindi nila ako napansin at patuloy lang ang kanilang pagchichismisan.
"Grabe noh, ang swerte ni ate girl, buhat buhat daw ni Sir Travis papunta sa clinic sa ground floor?"
"Yes girl! Biruin mo, company president pa talaga yung nagdala sa kanya! I wonder who that girl is."
"Baka naman girlfriend niya! I heard the girl has the face. Mukha raw filthy rich."
"Fake news ka! Sir Travis doesn't have a girlfriend. I heard, that girl na buhat niya is the same girl na gumawa ng scene sa 10th floor kanina."
"Ooh talaga? Ano bang nangyari sa 10th floor kanina?"
Gusto ko pa sanang marinig ang kanilang usapan pero lumiko na sila papunta sa kanilang opisina. Mga accountant talaga sa kumpanyang ito, ang gagaling humanap ng mapapagchismisan.
Sumakay na rin ako ng elevator.
I wonder ano kayang nangyari kanina sa ground floor?
Nagkibit balikat ako. If it's about Travis, I'm pretty sure I'll found about it soon.
Nang makababa ako sa 10th floor ay nakita ko ang isang pamilyar na babae na nakatayo sa labas ng pinto ng aking opisina.
Matapos nang mahabang speech niya kanina ay di ko akalaing babalik siya.
She's looking inside my office. May nakalimutan ba siya?
"Ehem." nagulat siya nang makita niya ako sa kanyang tabi.
"Ay pusa ka!"
I raised my left eyebrow at sinenyasan siya para tumabi.
Tumabi naman siya. Binuksan ko ang pinto ng office ko at sumunod siya sa akin.
She closed the door. Umupo naman ako sa aking seat at nagkunwaring busy as if I don't acknowledge her presence.
Kinuha ko ang papeles na kanina kong binabasa.
"Uh-eh..C-connor?"
Muling napataas ang aking kilay. Nobody calls me by that name unless I allowed them to. Medyo nairita ako at napagtaasan siya ng boses, "What now?!"
Mukha siyang natakot, "A-about earlier. Uhh?" patigil tigil siya sa pagsasalita na para bang gusto nyang hulaan ko ang sunod nyang sasabihin.
Ibinaba ko ang papeles na aking binabasa, "Ms. Tang, you know I'm a busy person right?" tumango siya, "So please don't waste my time. Whatever is on your mind that you want to tell me, just say it."
Huminga siya nang malalim saka muling nagsalita, "I know you're mad and you might not want to consider my request pero kakapalan ko na ang mukha ko. C-can I just take back what I said earlier?"
What is she talking about?
"Which one?" sa sobrang dami nang sinabi niya kanina ay hindi ko na maalala pa kung alin ba roon.
"A-about my resignation."
Naningkit yung mata ko. Kanina lang ay para syang tigreng mangangain kapag di ko siya pinalabas ng opisina ko at ngayon naman ay binabawi na nya ang mga salitang binitawan nya.
Mukhang nag-iba yata ang ihip ng hangin. I think the tables have turned.
But I'm still not sure if she's serious o epekto na naman ito ng kabaliwan ng babaeng 'to?
I'm still thinking what made her decide to retract.
"Hmm.." I looked at her from head to toe at ngayon ko lang napansin ang benda sa paa niya. Has it been there before? Pero bakit ngayon ko lang napansin? "Napano 'yang paa mo?" tanong ko sa kanya.
Tiningnan niya ang kanyang right foot and she smiled.
Now, she's suspicious.
"This?" hindi pa rin mapawi sa kanyang mukha ang ngiti.
Napangiwi ako. She's gone crazy. Should I call the security again?
I waited for her to answer pero mukhang lipad na yung utak niya.
Nakatingin lang ako sa pagngiti-ngiti niya. She's well dressed, pretty at mukha namang may kaya. I wonder what made her wrote her bio online.
Nagpatuloy lang siya sa kanyang ginagawa habang ako naman ay nakatanga lang sa kanya.
Ugh. I can't take this anymore!
I decided to break the long silence, "So what made you decide to retract?"
At last, matapos ang ilang minutong pagtitig niya sa kanyang paa, mukhang natauhan na siya.
"What made me decide?" pag-uulit nya.
Hindi ko alam kung mali ba yung choice of words ko o mali lang talaga yung tanong o ang way ng pagkakatanong ko pero sa mga sinabi ko ay muli na naman syang ngumiti.
That smile of hers, it's already creeping me out!
Is she mentally challenged o sadyang ganun lang talaga siya? Tell me!