♥ TWENTY ♥ HANK Pinilit kong tumayo kahit na sobrang sakit ng katawan ko. Kahit na wala nang lakas ang mga tuhod ko para humakbang. Kahit na pakiramdam ko mamamatay na ko dahil sa mga sugat na natamo ko. Pinilit kong maglakad palapit sa kanya. Nabuwal siya at bumagsak sa lupa. Umagos ang dugo sa mga hita niya. Pakiramdam ko lalo akong nanghina no'ng makita 'yon. Tangina. Tangina mawala na lahat 'wag lang mag-ina ko! Halos ilang hakbang na lang ako mula sa kanila no'ng matumba ako. Bumagsak ako sa lupa pero pinilit kong abutin ang kamay niya. Gumapang ako at niyakap siya. Hirap na hirap na kong imulat mga mata ko pero ayaw kong mawala sila sa paningin ko. Mawala na lahat 'wag lang sila. Mamamatay ako. Mamamatay ako. "K-Kiara..." Kumawala na naman mga luha ko dahil sa nangyayari. Sana

