♥ NINETEEN ♥ KIARA Humigpit ang hawak ni Hank sa kamay ko. Itinago niya ako sa likuran niya at nilabanan niya ang mga titig na ipinupukol sa amin ni Clint. He pushed the gate open. Pinagmasdan niya ang paligid na animo'y isa siyang bisita. "You've got a nice place here..." He murmured then turned his eyes back at us. "Too bad this is not what King Karlos wants for his precious girl." Lalong gumapang ang takot sa sistema ko dahil sa narinig. "Clint, please huwag mo nang sabihin kay Dad. I'm begging you. We're friends. Pabayaan niyo na akong maging masaya kasama si Hank." Dumilim ang kanyang ekspresyon at umigting ang kanyang panga. "I am not just your friend, Kiara..." May bahid ng galit niyang sabi. Ilang palahaw ang umalingawngaw. Naramdaman ko ang pagkuyom ni Hank sa kanyang mga k

