♥ EIGHTEEN ♥ Humigpit ang pagkakahawak ni Hank sa braso ko. Dama na namin ang magkahalong takot at galit ng ilan sa mga tao. Umiling ako. "N-No. We're not monsters. P-please. Makinig kayo." Sinubukan kong lumapit sa kanila pero pilit akong kinubli ni Hank sa likod niya. Kate pointed us again. "Baka sila ang mga pumapatay sa kabilang bayan?! Baka sa susunod tayo naman!" Some people agreed to what she said. Naramdaman ko na ang tensyon. Alam kong maaari kaming mapahamak kung sakali. Minahal namin sila. Hindi namin sila kayang saktan para lang mapagtanggol namin ang mga sarili namin. "Ang dapat sa mga 'yan ikulong o kaya ay patayin!" Sigaw ng kung sino. Hindi ko na makita kung sino man ang nagsabi no'n pero nasaktan ako sa narinig. "I'm begging you. We won't hurt you. Hindi kami masama

