♥ FOURTY NINE ♥ KIARA Wala pa ring tigil sa pag-iyak si Knighy kahit na nakalayo na kami sa lugar. Nakaupo siya sa pagitan namin ni Mandy at nakayakap sa akin. Panay ang paghagod ko sa likod niya para pakalmahin ang paghinga niya pero patuloy siya sa pag-iyak. "Grandpa..." Humahagulgol niyang sabi. Dinampian ko ng halik ang kanyang ulo. "You're safe now, baby. Malayo na tayo kay grandpa." Iniling niya ang ulo niya. "No. I want grandpa." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin saka ako tinitigan sa mga mata. Kumunot ang noo ko. "Ilalayo ka lang ulit ni Grandpa sa akin. Sorry, Knight but grandpa is bad. Ayaw mo bang makilala ang totoo mong Daddy? Anak ako ang tunay na Mommy mo." Kinulong ko ang mukha niya sa mga palad ko. Muli siyang umiling. "My grandpa is not bad. He's just protectin

