♥ FOURTY EIGHT ♥ SOMEONE'S POV Paulit-ulit ang pagsambit ni Karlos sa mga salitang "hindi niyo alam ang ginawa niyo." pero hindi siya pinakinggan ng anak at ni Hank. Balot ng galit ang dalawa dahil sa naipong sama ng loob nila sa mahabang panahon. Tumayo si Hank at pinasadahan ng tingin ang paligid. Patuloy ang kaguluhan ngunit sinikap niyang tignan ang bawat mukhang nakikita niya. Nang hindi niya makita ang hinahanap niya ay bigla siyang ginapangan ng takot. "Knight?" He mumbled. Napatakbo siya para hanapin ang anak ngunit hindi na niya ito matagpuan. Kanina lang bago siya nakasagupa ni Clint ay bitbit na niya ang anak ngunit nabitiwan niya ito nang magsimula silang mag-away dalawa. Pinilit niyang hanapin si Knight sa gitna ng kaguluhang nagaganap sa paligid niya. Mayamaya ay narinig

