♥ FIFTY ONE ♥ KIARA Hindi ko nagawang gumalaw mula sa pagkakaluhod ko sa lupa. Nanghina ang mga kalamnan ko dahil sa nasasaksihan. Ni ang paghinga ko ay tila unti-unti nang lumalalim. Hindi... Ang anak at kapatid ko... Hindi pwede... Si Hank ay napatakbo palapit sa dalawa. Bakas ang matinding takot, awa, at galit sa mga mata niya pero mas namayani ang hindi niya pagtanggap sa nakikita. "f**k! Knight, wake up, son!" Asik niya saka lumuhod at niyakap sa kanyang bisig ang wala nang buhay naming anak. Pakiramdam ko mas nabasag ang puso ko. Ngayon na lamang sila magkakasama bakit ito pa ang kinahantungan ng lahat? Hindi ko kayang tanggaping wala na si Knight. Hank shooke Knight's body. He's trying his best not to shed a tear pero maging ang kanyang mga luha ay unti-unti na siyang tri

