♥ THIRTY FIVE ♥ KIARA Marahan kong hinaplos ang tiyan ko habang hinihintay ang doktor na magchecheck up sa akin. Nagdesisyon akong magtungo na lamang sa clinic ng OB-Gyne sa pinakamalapit na bayan keysa papuntahin pa ito sa kampo. Gusto kong mag-isang magpacheck up. Naiirita lamang ako kay Clint kapag nagpapakitang gilas siya kay Dad na akala mo ay anak talaga niya ang nasa sinapupunan ko. This baby will never be his. Darating ang araw na maipapakilala ko rin ang mga anak ko sa tatay nila. "You are ten weeks pregnant, Mrs. Jo--" "Venzon. M-Mrs. Venzon." I cut her off. Muli niya akong tinignan saka siya ngumiti. "Mrs. Venzon, you are underweight at mukhang kinukulang sa nutrisyon ang dugo mo. If this will continue, maging ang baby ay maaapektuhan ng malnutrition. I will prescribr some

