♥ THIRTY SIX ♥ HANK "I will... I want to take your hand as much as I want to be in your arms... But not today, Hank... Not today... S-Siguro kapag kaya na nating panindigan ang pagmamahal natin, doon ko tatanggapin ang kamay mo." Paulit-ulit kong naririnig ang sagot ni Kiara sa isip ko. Nang talikuran niya ako, para akong nanghina. Hindi ko na nagawang pigilan pa siya. Pakiramdam ko pagod na ako. Napagod na akong pilitin siyang magstay. Alam ko naman. Ayaw na niyang maulit 'yong nangyari sa Rosset noon. Hangga't ganito ako, pwedeng mangyari ulit 'yon. Hangga't mahina ako, hindi ko magagawang panatilihin siya sa piling ko. Kasalanan ko kung bakit siya nawala. Masyado akong mahina para maipagtanggol siya sa mga taong gustong maglayo sa aming dalawa. Tinungga ko natitirang laman ng baso

