♥ THIRTY TWO ♥ HANK "Nay naman wala ka na yatang tinira sa diner!" Nagkamot ako ng batok. Humagikgik si Nana Esther. "Loko-loko paanong walang matitira isang katerba ang naroon." "Oo nga naman, Hank. Mauubos na ang lahat ng pagkain dito sa Rosset pero hindi ang pagkain sa kusina ni Esther. Kaya lumobo eh." Halos pabulong na ang huling linyang sinabi ni Tatay Fernan. Pinanlisikan siya ng mata ni Nana Esther saka ito nagpamewang. "Aba anong ibig mong sabihin, Ferns?" Natawa ako. "Naks! Lumelevel up kayo ni Tatay. May nicknames na ngayon? Baka isang araw kayo na." Nagtawanan kami nina Edmar. Si Nana naman pinagkukurot ang tagiliran ko pero 'yong ngiti niya pinipigilan naman niya. "Ikaw talaga puro ka kalokohan! Ay naku ang mabuti pa tara. Kami ni Edsel babalik na kami sa diner. Itong

