♥ THIRTY ONE ♥ HANK Dinamdam ko nabalitaan ko kay Jomyl. Gusto ko na naman sumugod sa Camelot pero pinipigilan ako ng takot ko. Natatakot akong marinig mismo kay Kiara na totoo nga. Wala akong karapatang pigilan siya. Hindi legal ang kasal namin. Kung tutuusin seremonya lang naman 'yon pero para sa akin, lahat ng 'yon, totoo. That night, I married the girl of my life and after everything that happened, I still do... Sa kanya pa rin ang apelyido ko. Natutunan kong mahalin ang pangalang dala-dala ko dahil sa kanya kaya hindi ko matanggap na pwede 'yong palitan ng iba. Napansin ni Alpha at Baron ang pananahimik ko magmula noong malaman ko ang tungkol sa kasal nila Kiara. Mas masakit sa'kin na pati pala siya alam ang tungkol do'n dahil napag-usapan na nila 'yon ng mga Alphas. Maghapon

