♥ TWENTY SEVEN ♥ KIARA Sobra-sobra ang pagpipigil ko sa emosyon ko habang pabalik ako ng Camelot. Hindi ko akalaing ganito kahirap ipagtapat kay Hank ang nangyari sa anak namin. He loved Vien Aslain so much. Natatakot akong sa oras na malaman niya, hindi niya kayanin. I barely survived trying to forget what happened to our son. For three years, I tried to kill myself whenever I miss Vien. Hindi ko man lang siya nakarga. Hindi ko man lang narinig ang unang iyak niya. Hindi ko man lang nagawang haplusin ang pisngi niya. I didn't know it's possible to miss someone you never actually met in person. Ganito pala kasakit mawalan ng anak. Mabilis kong pinalis ang luha ko nang malampasan ko ang karatula sa border ng Camelot. Babalik lang ako roon para kunin ang mahahalagang gamit ko. Dad can do

