♥ TWENTY EIGHT ♥ KIARA Walang patid sa pagpatak ang mga luha ko habang naglalakad kami papunta sa seldang pinagkulungan kay Hank. Nararamdaman ko ang hirap na pinagdadaanan niya ngayon. He's weak and I can feel wolfsbane on his system but the worst is his emotional pain. It is breaking him in ways I can barely imagine. Umaalingawngaw ang kalansing ng kadenang tila pilit kinakalas. Dinig na dinig ko rin ang pilit niyang pagtawag sa pangalan ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Pakiramdam ko hindi ko kayang harapin siya. Kung nasasaktan ako, mas malala ang sakit na nararamdaman niya. Huminto kami sa tapat ng isang selda. Kumalabog lalo ang dibdib ko nang tuluyang buksan ng deltang kasama ko ang pinto. Pumatak ang mga luha ko at para akong tinakasan ng lakas nang makita ang nakakaawang itsur

