♥ TWENTY NINE ♥ HANK Halos hindi na ako makatayo pagkatapos nila akong dalhin sa border ng Remorse. Gusto kong bumalik. Gusto kong magmakaawa kay Kiara kahit na kaunti na lang mapapatay na nila ako. Alam ko, kung hindi lang nila ako magagamit para takutin si Kiara, baka matagal na talaga akong patay. I blocked my connections with my pack the moment I stepped inside Camelot. Laban ko 'to. Pamilya ko 'to. Hindi ko sila pwedeng idamay. Alam kong sa oras na malaman nilang hawak ako ng mga taga-Camelot, susugod sila at magkakaroon ng labanan. Hindi pa rin nawawala ang restrains ko. Naalis man ni Kiara ang mga kadena, hindi niya nagawang alisin ang restrains. Dumapa ako at pilit tinungkod ang nanginginig kong braso sa lupa. Para na akong mawawalan ng malay. Umiikot na paningin ko pero wa

