Nagsisi tuloy si Pia kung bakit nakasuot pa siya ng takong, eh di sana hindi siya nahihirapan ngayon sa paglalakad. The narrow passage barely fit a foot and the only railing was the dirt wall next to her shoulder. Maputik din ang dinadaanan niya at ang sapatos niya ay nababalutan na ng dumi ng putik. Pero wala na siyang pakialam, hindi kasi yon oras sa kaartehan. At lalong ayaw niyang malibing ng buhay sa dinaanan nilang underground.
Nauna siyang maglakad kay Hecthor gaya ng sinabi nito sa kanya, kaya lang pagkalingon niya hindi pala nakasunod sa kanya ang lalaki. Bigla tuloy siyang nahintakutan.
"Hecthor?" malakas na tawag niya sa lalaki na tila umalingawngaw sa buong underground.
Ngunit wala siyang nakuhang sagot mula rito. My Goodness! Hindi niya kakayaning maglakbay mag-isa sa masikip na underground. Pano nalang pag may makakasalubong siyang kakaibang creature? at ang masaklap pa ay lalamunin siya nito ng buhay? Naku! Hindi talaga niya ma imagine iyon. Letsugas, hindi rin naman niya alam kung saan ang patutungohan sa binaybay niyang daan. Babalik nalang kaya siya sa dinadaanan? Pero hindi naman pwede, dahil baka pati kaluluwa niya ay sasabog rin.
Nang hindi na niya alam ang gagawin sa mga oras na yon, nakarinig naman siya ng mumunting ingay at talagang nabuhayan siya ng pag-asa dahil hindi pa pala niya katapusan. Umaasa nalang siya na si Hecthor sana iyon.
"Hecthor? Nasaan ka?"
"I'm coming." His voice sounded weak and a little breathy.
Sa palagay niya parang may dinaramdam ang lalaki, nahahalata kasi niya sa boses nito. Wala siyang choice kundi balikan nalang ito. "Babalikan kita diyan."
"Wag! Diyan ka lang."
No! Hindi na siya makikinig nito. She was pretty much done with the whole obeying thing. Pano nalang kung nadulas pala ito at hindi na makakatayo? Hindi naman kakayanin ng konsensiya niya na makatunganga lang.
Balancing her hands against the damp walls, she lifted one foot then the other, balancing her shoes sideways on each step, and made her way back to him.
Laking gulat nalang niya nang maabotan niya ang kalagayan ng lalaki. Kalahati kasi ng katawan nito ay natatabunan ng lupa. Nagpupumiglas ito na makawala pero alam niyang hindi nito kakayanin pag walang umagapay nito. Nakita niyang pinagpawisan na ito ng todo at putlang-putla na rin ito.
"Okay ka lang? Tutulongan na kita."
"Kaya ko to." matigas nitong saad.
"Parang hindi eh."
"Kaya ko to at diyan ka lang. Wag ka ng magpupumilit pa."
"Claustrophobic ka ba?" She asked the question even though she knew the answer.
"Hindi noh."
Tipikal talaga na lalaki. "Ah ganon! Kung kaya mo ngang makawala diyan, eh di sana kanina pa."
"I've been working on it."
Aba! Nagmamatigas pa ang bruho. Pero hindi niya ito dapat pakinggan, sa ngayon kasi kailangan nito ng tulong. "Saka na yang pa macho epek mo pag makawala ka na diyan. Dahil dalawang minuto nalang ang itatagal bago pa sumabog ang bahay mo, we need to fast-forward kung ayaw mong malitson tayo rito."
Napakurap-kurap ito ng ilang beses. "Pano?"
"Hayaan mo lang ako na tulongan ka." aniya saka inilahad ang mga kamay sa lalaki. The light stick was put in between her teeth upang magsilbi pa ring ilaw.
Ngunit napatitig lang ito sa mga kamay niya. "Isang hakbang lang muna. Tas huminga ka ng malalim habang ginagawa mo yan." She inhaled as an example. "Mag-isip ka lang ng magagandang lugar. A place that gives you pleasure."
Napapailing naman ito. "Effective ba yang sinasabi mo?"
"Kailangan na nating magmadali kaya bilis na." Mahigpit niyang hinahawakan ang mga kamay ng lalaki saka hinila niya ito ng ubod-lakas.
After two failed tries, nakawala rin ito sa ikatlong pagsubok na maiahon niya ito mula sa pagkabaon sa lupa. "There you go. Tara na bilis." Gusto pa sana niya itong pagpahingahin pero wala na silang oras.
"Humihinga ka pa ba?" tanong niya sa patuloy nilang paglalakbay.
"Alangan." tugon nito at medyo bumibilis na rin ang pagkilos nito.
"Nakapag-isip ka na ba ng magandang lugar?"
"Oo."
"Saan?"
"Wag mo nalang alamin pa."
"Hey, kailangan kong malaman kung saan man yon?"
"Sigurado ka?"
She checked their path, mukhang ang layo pa yata ng lalakbayin nila bago pa nila makikita ang liwanag. "Yep."
"Ikaw..."
"Yes?"
"Kailangan mong maghubad."
Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ng lalaki. "Kailangan pa ba yon?"
Napangisi lang ito sa kanya. "Sundin mo nalang ang sinasabi ko sayo, okay?"
"Basta ipangako mo na makakalabas tayo ng buhay dito."
"Yes ma'am."
She gave up and stood. "Now na?"
The words barely escaped her mouth when the ground shook. Tas namalayan nalang niya na may malalakas na mga kamay na pumulupot sa kanyang beywang. Umalingawngaw ang malakas na pagsabog at nagsipaghulogan ang mga lupa mula sa itaas, pati na rin sa magkabilang gilid nila. Mukhang hindi naman siya nataaman ng mga iyon dahil sa nakaprotekta sa kanya ang buong katawan ng lalaki, but she could feel Hecthor take the impact ang groan each time he got hit.
"Anong nangyayari?"
"Sumabog na yong bomba." anito na napatitig sa kanya. "Okay ka lang?"
"Hindi, but I can move."
"Good." saad nito at saka binitawan na siya. "Kailangan nating tumakbo bago pa makapasok ang apoy dito."
"Natatakot ka ring malitson, ano?"
"Oo, nag-aalala nga akong hindi tayo makakalabas dito. The walls getting tighter every second."
"Ano pang ginagawa natin dito? Tara na." sang-ayon rin niya.
Matapos ang nakakahingal na pagtakbo sa mahabang pagbaybay nila sa ilalim ng lupa. Bumangga naman sila sa pinaka dead-end na pader. "Hecthor!"
"Wag kang mag-alala, ayos lang tayo." Pinindot na naman nito ang kanyang wristwatch at biglang bumukas ang pader.
"Sabihin mo nga sakin kung bakit ang isang unemployed non-spy ay nakagawa ng ganitong set-up."
"Sasabihin ko rin sayo, once masiguro ko ng ligtas na tayo." saad nito at lumabas sila sa parang isang pintuan.
Then suddenly a rush of cold air smacked her in the face. Nakalabas na pala sila mula sa underground at nang sa paglingon niya umaalab na apoy ang kanyang nakikita.
The fire crackled and danced, jumping from the burning house to the branches of the nearby trees. Kung hindi ito maagapan baka magkaroon pa ng wildfire dito sa kakahoyan.
Napansin naman niya si Hecthor na napasandal sa pintuan na kanilang nilabasan at mukhang napapangiwi ito.
"Okay ka lang?" tanong niya sabay hawak sa braso nito.
"Fine." sagot nito na napahugot ng hininga. "Pero hindi pa tayo nakakalabas sa kakahoyan."
"Literally?"
"Magpatuloy lang tayo sa paglalakad, dahil baka nakalabas na rin sa bahay ang mga namataan kong lalaki bago pa sumabog ang bomba." balik na naman sa ma awtoridad ang boses nito at nagsimula na itong maglakad.
Siyempre ayaw niyang magpaiwan kaya sumunod agad siya. "Saan tayo pupunta?"
"Sa truck."
"Eh wala naman akong nakikitang truck dito."
Huminto ito bigla at binulongan siya malapit sa kanyang tenga. "Trust me."
Another few steps and they ran into a pile of branches she hadn't seen the minute before. Nakita niyang inilapag ni Hecthor sa lupa ang dalang backpack, saka nito inalis ang mga nakatabon na tuyong dahon sa truck na sinasabi nito.
"Wow ha!" sambit niya.
"Get in."
Nahihirapan naman siyang buksan ang pintuan ng truck, at sa katunayan nga limang beses niya itong sinubokang buksan bago pa ito bumukas ng tuloyan.
"Okay na rin itong truck na gawing getaway car kaysa wala." ika nito saka pinulot ang backpack at inilagay ito sa truck.
Ipinasok na nito ang susi sa ignition at pinaandar ang makina ng truck.
With the truck in reverse, he rested his arm across the back of the bench seat. Tas bigla siyang sinabihan na, "Yuko!"
She didn't think. Basta nalang ba siyang napapayuko. Hecthor yanked the wheel hard to the left as he stepped on the gas. Iniyuko rin ng lalaki ang ulo nito gaya ng ginawa niya.
"Bilisan mo na ang pagmamaneho." mando niya rito.
"Hindi ko magawa. Nalubog kasi tayo sa putik."
Nakita niyang sinubokan na ni Hecthor ang lahat na makakaya upang maiahon ang sasakyan nila mula sa putik. The tires slid and the back of the car moved as if separate from the front. Bigla namang nabasag ang bintana sa gawi niya at may bigla ring humatak sa buhok niya. Napatili siya sa gulat habang nagsusumamo ang mga titig niya kay Hecthor.
Hindi naman siya nabigo dahil nagtransform into superspy mode ang kasama niya. With one hand on the steering wheel and his foot on the gas pedal, ginamit naman nito ang isang kamay sa pagbaril.
Panandalian siyang nabingi sa putok na iyon at talagang literal na napamaang siya. Sino namang hindi, eh nasa harap lang kaya niya binaril ni Hecthor ang humatak sa buhok niya. Napabagsak man nito ang kalaban, pero pagkabingi naman ang kalalabasan niya.
Nang makahuma siya mula sa nakakabingi na putok, Hecthor had maneuvered them out of nowhere. They spun around in circle and drove about five feet before he slowed to a stop.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya rito.
"Checking." anito at nakalabas na nga ito sa truck bago pa niya ito mapigilan.
She slid across the seat and peeked out the driver's side door. "Hecthor!"
"Diyan ka lang." balik nitong sigaw.
Her muscles were frozen, and she hadn't realized she was holding her breath until he ran back and slid into his seat.
"Hey!" pukaw nito sa kanya.
"Bakit ba bigla kang bumaba sa sasakyan?"
"Gusto ko kasing malaman kung sino yong taong nabaril ko."
Napahugot naman siya ng malalim na hininga. "Namukhaan mo ba kung sino yon?"
"Hindi." tugon nito habang pasulyap-sulyap ito sa side mirror.
"Is he..."
"Dead?" Hecthor looked at her then. Mukhang galit ito.
Kung tama man ang interpretasyon niya base sa reaksyon ng mukha nito, pwes hindi rin siya magpapatalo. If he wanted to show some attitude, then she was more than prepared to show him some.
"So patay na ba ito?"
"Tama ka."
*****