Chapter 4

1527 Words
Naisip ni Hecthor na buksan nalang ang kanyang floodlights. Lalo na't kailangan nilang mahanap agad yong taong nabundol ni Pia na si Congressman Walter daw. Napaka ironic lang ng sitwasyon dahil ang taong sekretong iniimbestigahan niya ay narito ngayon sa lupain niya. At sa lahat ng lugar dito sa mundo, dito pa ito napadpad. Tsk, not good. "Pwede bang mag dahan-dahan tayong maglakad?" reklamo pa ni Pia. He glanced over at her. "Okay ka lang?" "Medyo sumakit kasi ang ulo ko sa pagkauntog kanina sa manibela." "Halata naman, wala kasing air bag yong sasakyan mo." "Ninakaw kasi eh." "Ngayong gabi lang?" "Hindi, mga isang buwan na ang nakalipas. Ninakaw iyon sa loob nga mismo ng bakuran namin." nanghihinayang na saad nito. "Kahit pa nga maliwanag ang streetlight namin, di pa rin sinanto ng magnanakaw ang air bag ng kotse ko." "Bakit saan ka ba nakatira?" "Sa Caloocan." "Naku ma traffic don." kaya nga ayaw na ayaw niyang nasa city siya dahil sa sobrang traffic. "Mas okay nalang don sa city kaysa dito sa lugar mo na sobrang creepy." komento nito. A city girl, huh. "Masanay ka rin pag dito ka nakatira." "Siguro kung dito ako tumira ng kahit isang buwan, mababaliw ako dahil puro puno lang naman ang makikita ko." She stopped and turned around. "Ganon talaga pag nakatira ka sa isang probinsya." "Napansin ko lang, pano mo nalaman kung saan dito ako dumaan?" tanong nito. He pointed at the ground. "Sinundan ko lang yong bakas ng gulong. Pero maiba tayo, hindi ka man lang ba nakapag apply ng brake bago mo binunggo yong bahay ko?" "Wala na ako sa tamang pag-iisip sa mga oras na yon dahil masyado ko talagang inaalala ang pagkabundol ko kay congressman." "I guess that's fair." Nagpatuloy na sila sa paglalakad habang napalinga-linga siya sa kapaligiran. "Wala naman akong ibang nakita maliban sa ginawa mong landscape itong kakahoyan." "So hindi ka naniniwala sakin?" "Ang alam ko may nabundol ka." simpleng tugon niya. "May trust issue ka ba o may kakaiba kang superpowers kaya ka nagtatago sa ganitong uri ng lugar?" Napamaang siya sa pahayag ng babae sa kanya. Mukha yatang nagiging sarcastic na ito. But for some reason, gusto niya ang mapanuring tanong nito. "Nakita ko yong dugo sa fender mo." sabi niya. "May theory ako diyan." "What about?" "Ayaw mong tumawag tayo ng pulis dahil pulis ka rin." She looked pleased with her theory. "Mali yang hula mo." "You're a law enforcement or whatever." Ayaw siyang tigilan nito, parang siya na yata itong naimbestigahan. "Pano mo nasabi yan?" "Assumption ko lang." "Well, mali ka dahil wala akong trabaho sa ngayon." Hinawi naman ni Pia ang makakapal na dahon na humarang sa kanilang dinadaanan. "Parang ang hirap yatang paniwalaan niyan." "Bakit naman?" "Mukha ka kasing hindi mapakali na tipo ng tao kung walang ginagawa, pero ideya ko lang din yan." Sasagot na sana si Hecthor sa komento ni Pia nang may mag flash na liwanag sa gawi nila. Napatanto niya na parang beam light ito ng sasakyan kung kaya't hinablot niya ang braso ni Pia para lang tumigil ito sa paglalakad. "Wait." "What?" ani Pia. "Shhh. Quiet." Nang akmang magprotesta ito, mabilisan siyang nagpaliwanag dito. "May ibang tao rito." Dali-dali namang yumuko si Pia para magtago. "Baka mga tauhan na yan ni sir Walter." "Sa palagay ko hindi." Naisip ni Hecthor na hindi naman siguro maligaw ang mga pulis dito. He also didn't see any of the telltale signs. Wala rin kasi siyang narinig na tunog ng sirena ng patrol car. Baka mga tanod lamang sa kabilang baranggay ang mga nagroronda sa highway. "Wala naman akong nakikita na tao ah." napapailing na wika nito. "Babalik nalang tayo sa bahay." "Pero hindi naman mukhang hideout iyong bahay mo." "Hindi nga." Pero para sa kanya iyon ang pinakaperpektong lugar. Safe haven kung maituturing niya ang bahay na yon. "Halika na." Hinawakan niya ang kamay ng babae dahil ayaw niyang makatakas ito, may atraso pa naman ito sa bahay niya. At baka nagpa disguise lang din ito na innocent victim siya. Hindi talaga niya pwedeng pagkatiwalaan ang babaeng ito. Nang makabalik sila sa kanyang bahay, napapailing siyang nakatitig sa nasira niyang bahay. Pero gabi na at wala ng oras para ayusin ito. Iginiya na lamang niya ang babae sa kanyang silid dahil wala siyang plano na matutulog sa gabing iyon. "This way." "Tatawag nalang kayo tayo ng pulis." mungkahi pa nito. "Wala ng oras." Huminto siya saka kinuha niya mula sa drawer ang isang kakaibang night vission telescope na kung may mga unwanted visitor man ang maligaw sa pamamahay niya ay agad niyang mamataan. Tumitig sa kanya ang babae. "Binoculars ba yan?" "Oo, isang updated version nga lang." "May napansin ka pa rin bang tao sa paligid?" Magsinungaling pa sana si Hecthor pero baka mag-alala lang ito masyado. "Sumandal ka lang muna diyan sa dingding at titingnan ko mula sa bintana ang kalagayan sa labas." She obeyed. Naghintay lang ito ng ilang minuto bago ito nagsalita ulit. "May ibang baril ka pa diyan?" "Depende. Bakit marunong ka bang bumaril?" "Mahirap ba yong pag-aralan?" "So, hindi ka nga marunong." aniya saka tinalikuran niya ang babae at pumunta siya sa bintana para magmasid. Nang may mapansin siyang kakaiba sa paligid, kaagad siyang naalarma. Nakita niya kasi ang mga nakaitim na lalaki na may dalang matataas na kalibre ng baril. They moved in unison through a mix of hand signals and nods. Guns for hire, iyon agad ang pumasok sa isip niya. "Kailangan nating makaalis dito, ngayon na." naalarma niyang sabi sa babae. "Anong plano mo?" He nodded at the floor. "Diyan tayo dadaan." Napakunot-noo ito sa kanya. "Hindi kaya tayo magkakabukol niyan, eh mukhang matigas pa naman ang sahig na yan." "Mukha lang, pero ang totoo hindi." "Hindi ba pwedeng sa pinto nalang tayo dadaan o di kaya sa bintana nalang?" "Wala akong back door at ang mga taong iniiwasan nating makita tayo ay nasa harap lang ng bahay." aniya at agad na hinila ang babae para sundan siya sa paggapang sa sahig. She didn't question this time and he was grateful. After crawling the short distance ay narating nila sa wakas ang totoo niyang hideout. "Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit ba ginagawa natin to?" she asked, panting. Para pakalmahin ito, hinawi niya sa likuran ng balikat nito ang ilang hibla ng kanyang buhok. "Pag-uusapan natin yan mamaya." "Bakit hindi nalang ngayon?" "Count on it." Pinindot niya ang series of numbers sa kanyang wristwatch, and the floor in front of them shifted. "Just lean forward." The partition lifted from the floor. Tas malawak itong bumukas. Her jaw dropped. "Anong ginagawa mo?" Pero bago pa ito makapagsalita ulit ay hinila na niya ito pababa sa ilalim ng sahig na nagsilbing entrance sa kanyang facility room. Kinuha niya mula roon ang kanyang gears at iba pang gadgets, saka ipinasok ang lahat ng iyon sa backpack. Nakita niyang tumingala naman ang babae sa sahig na pinasukan nila. "Ano bang klase na silid ito?" "It's called SCIF." "Come again?" parang nalilitong saad nito. "Ang teknikal na termino niyan ay Sensitive Compartmented Information Facility." paliwanag pa niya. The area of this room was an enclosed space in his house. In here he could review classified information. It functioned as a secure office within his sanctuary. "Kung hindi pa seryoso yang mukha mo, iisipin ko talaga na nagbibiro ka lang." anito. "Mukhang hindi naman ako nagbibiro, di ba?" He pressed a remote and the monitor on the wall switched from a blank screen to a shot of the area outside the house. Nakita naman niya ang isang lalaki na papasok sa kanyang bahay. At baka ang ibang kasamahan nito ay nakapasok na rin sa kubo dahil hindi niya ito nakikita sa monitor sa labas. "Hindi ka pulis, huh." biglang sambit nito sa kanyang likuran. "Sinabi ko na sayo na hindi." "Ah spy ka lang." "Hindi rin." "Now what?" "Time to go." "Saan?" She looked up the seven-foot height from the floor of his house. Then her eyes locked on the figure on the screen. "Hindi ka pulis at hindi ka spy. Eh ano ka?" "Wag ka nalang magtanong pa." ika niya tas pinindot niya ulit ang password sa kanyang wristwatch. "Ano na naman yang pinipindot mo?" "Setting the timer, nang sa ganon sumabog ang bahay na nasa itaas nito." "What?" halatang nagulat ito sa sinabi niya, but it faded a second later. "Wait, seryoso ka ba talaga?" "Yeah." Nagpabalik-balik ng lakad ang babae sa maliit na espasyo at halatang nenerbyos ito. With his admission about the planned explosion, her movements became frantic. "Hecthor, this is ridiculous. You know that, right? Pakiusap, sabihin mo sakin na hindi ka isang suicide-bomber." her voice squeaked. "Okay." Hinawakan niya ang mga kamay nito para hindi ito tuloyang matakot sa kanya. "Hindi yan ang gusto kong sagot mo." "Kumalma ka muna, okay." "Eh ano pang ginagawa natin dito? tara na please, bago pa tayo matusta dito." "May sampung minuto pa naman tayo." Napamulagat ito. "Sampu nalang?" "Oo, kaya nga gagawin mo kung anong sasabihin ko sayo." Naghintay muna siya hanggang sa tumango ito. "Good." He took her hands and pulled her tight against his body, tas minanduan niya ito na ipulupot ng maigi ang mga binti nito sa kanyang beywang, as he carried her downstairs. May instant yakap tuloy siya sa babae at hindi naman siguro siya sasampalin nito, nasa delikadong sitwasyon kaya sila. Nang nasa ibaba na sila, the wall next to her rolled back to reveal a steel-reinforced opening. Isa na naman itong lagusan na dadaanan nila sa underground. Good thing he believed in planning ahead for catastrophe. "You are just full of surprises." she muttered as she stared into the hole that was just big enough to fit Hecthor. "Heto, kunin mo to." He handed her the light stick. "Ikaw kasi ang mauuna." *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD