CHAPTER 22 Buong maghapon, yung dala lamang ni Poseidon ang kinain ko. Nakatambay lang ako sa lab nila Kat dahil wala naman na akong gagawin. Wala rin kasi silang ginagawa kaya naglalaro na lang kami ng scrabble. Umalis kanina si Poseidon dahil may dumating daw na bagong mission. Kinakausap niya ngayon sila PJ, Ethan at Mishy. Hindi ko nga alam kung bakit sa office pa sila ni Poseidon nag-uusap. Nagmu-mukha tuloy na walang dapat makaalam kung ano yung mission. "Bakit ang tagal tagal nila?” Sinabi ko habang nakatingin kay Kat. Mukha na rin kasing tulala na natataranta si Dale eh. "Pina-finalize na lang nila yung plano sa mission. Kahapon pa rin kasi dumating yon." Sabi ni Kat. "Eh bakit sinabi sakin ni Poseidon na ngayon lang yun dumating?" Kumunot ang noo ko habang napapatingin ako ka

