CHAPTER 23 Isang buong linggo namin pinagplanuhan ang mga gagawin ko. Sa loob ng isang linggo na ito, hindi mo makikita na nasa mood si Poseidon para sa kahit anong bagay. Hinihintay din namin yung mga in-enhanced ni Draco na gadgets para hindi mahalata kapag dinala namin. Isang linggo lang ang kailangan dahil halos lahat ng agents sa experiment department ay nag tulong tulong para maging madaling gawin ang lahat. Here's the gadgets.. BHO listening device. Matagal ng na enhance to. Ang pagkakaalam ko ginamit na ito ni Mishy dati. Kasing liit na lang siya ng maliit na mole..heart shape nga lang. Ikakabit iyon sa tenga at hindi namin aalisin habang nasa mission kami. Bree, pinangalan sa akin ni PJ at Kat, it's a stun gun. Drop dead, iyong katulad ng ginamit ko sa party ni Francis. EME o

