Chapter 27 LINCY MUNTIK na akong mapatalon sa gulat nang biglang sumulpot si Angel sa likuran ko matapos kong ihatid si Andrea sa kwarto namin. Mabuti na lamang at napigilan ko ang bibig ko sa pagsasalita dahil baka may makarinig sa akin. Sinenyasan ko ito na doon kami sa labas mag-uusap. Nagkunwari akong magtatapon ng basura upang hindi ako pagdudahan sa paglabas ko ng mansyon. "Ang tagal mong hindi nagparamdam, Angel. Hinahanap ka na rin ng kapatid mo sa akin. Saan ka ba nanggaling?" tanong ko sa kaniya sabay hawak sa dibdib ko upang magpakalma ng gulat. "Namasyal ako 'te. Pinasyalan ko ang mga lugar na gusto kong puntahan noong ako ay nabubuhay pa," masayang sabi niya. "Wow! Mukhang tinupad mo na ang travel goals mo. Hindi mo naman ako sinabihan. Akala ko kung saan ka na napadpa

